Abante Tonite Interactive

IU binigyan ng tribute si Jonghyun

248

tonite-annyeong-rose-garciaIsang taong anibersaryo na ng kamatayan ng member ng South Korean boy group na SHINee ngayong araw na ito, December 18.

Naging napakala­king balita, hindi lamang sa South Korea kung hindi maging sa ibang bansa nang pagkamatay ni Jonghyun isang taon na ang nakalipas.

Suicide sa pamamagitan ng carbon monoxide ang naging sanhi ng kanyang kamatayan. Ipinagluksa hindi lamang ng mga tagahanga ni Jonghyun at ng SHINee kung hindi ma­ging mga kasamahan niya sa industriya.

Abante Hiring – IT dep

Isa na rito ang sikat na singer-actress-composer na si IU.

At sa ginanap na concert ni IU sa Singa­pore noong December 15 bilang bahagi ng kanyang ika-10 anibersaryo sa showbiz, inalala at binigyan ng tri­bute ni IU si Jonghyun.

Kilala ng lahat na malapit na magkaibigan sina IU at Jonghyun nung nabubuhay pa ang huli. Kaya ganoon na lang ang lungkot ni IU nang pumanaw si Jonghyun. Isa rin siya sa naghatid hanggang sa huling hantungan.

Sa concert ni IU sa Singapore, bigla siyang kumanta ng isang kanta na hindi raw talaga bahagi ng set list niya.

Ayon kay IU, “The next song actually wasn’t on my set list, but I prepared it because I’ve been thinking­ about this one a lot recently. This song has been a great comfort to me since the moment I met it.”

Pero bago ito kumanta ng particular song na yun, nagpalit pa ng gamit na microphone si IU.

Sabi ni IU, “I’ll change my mic.”

Mula sa purple color niyang microphone, pinalitan niya ito ng aqua pearl na siyang color raw ni Jonghyun.

“I really hope this song will reach the person I really miss,” lahad ni IU.

Ang kantang “Gloomy Clock” ang inawit ni IU na komposisyon ni Jonghyun. Dati pang nababanggit ni IU na unang beses pa lang niyang marinig ang komposisyon na ito ng nama­yapang idol, na-in-love na siya sa kanta at nakiusap ng todo kay Jonghyun na payagan siyang bilhin o gamitin ito.

May ilang tagahanga rin na nagsasabi na tila binago raw ni IU ang lyrics ng kanta habang inaawit nito. Sa halip na orihinal na linyang, “things quickly pass by” ay “Jonghyun shines” daw ang sinambit.

Nagawa na rin mag-perform nina IU at Jonghyun ng kantang ito nang mag-duet sila sa solo concert ni Jonghyun na The Story by Jonghyun noong 2015.