Abante Tonite Interactive

IU kinokondena ang mga nega sa socmed

By
2,802

Kung ang ibang celebrities, lalo na ang mga ilang female South Korean celebrities ay suportado at isinusulong ang #MeToo movement kunsaan, ini-encourage ang mga biktima ng iba’t ibang klase ng harassment, lalo na ang physical at sexual harassment na lumantad at magsalita, ang South Korean singer/songwriter/actress na si Lee Ji-eun o mas kilala sa screen name niyang IU ay may iba namang panawagan.

Nanawagan ito, lalo na sa kanyang mga tagahanga na i-report kapag may mga nakikitang mga hate comments o mga nakaka-insultong komento tungkol sa kanya sa kanyang agency, ang Kakao M o Fave Entertainment.

2016 pa lamang ay isinusulong na ni IU at talagang kinokondena ang mga negatibo, bastos, nakaka-insulto at mga hate messages ng ibang netizen na idinadaan sa social media. Desidido si IU at ang management niya na mag-file ng legal complaints o action sa mga ito.
Noong April 20, nag-post ang management ni IU sa kanyang official fan café na may title na, ‘Guide to taking legal action against comments or posts of malicious slander and defamation.’

Abante Hiring – IT dep

Nakasaad dito na, “We have been continually monitoring and ta­king legal action against malicious slander, defamation, and hate comments related to IU all along; we simply never disclosed such progression to the public. Hence, such cases of serious or habitual approaches will be taken into care with severe methods.
“In the future, we ask you to report to us any untrue rumors that spread online, through SNS, as well as comments or posts personally attacking the artist – ones that verge on sexual harassment and defamation.”

Malaking tulong daw talaga sa pag-track ng mga hate messages ang mga ipino-forward ng mga fans sa agency.
Si IU ang maitutu­ring na isa sa pinakasikat at well-accomplished female solo artist sa Korea. Lahat ng mga kanta niya ay nagta-top sa music chart, bukod pa sa mga sold-out concerts. Noong isang taon, IU was ranked by Gallup Korea as Most Popular K-pop artist of 2017 at siya rin ang Most Popular K-pop Idol ng taon.
Sa ngayon, kasalukuyang ginagawa ni IU ang Korean drama na “My Mister” ng tvN.