Abante Tonite Interactive

IU, UAENA nag-donate ng 100 million won

396

tonite-annyeong-rose-garciaNaging memorable ang pagdiriwang ng sikat na South Korean singer/actress na si IU ng kanyang ika-10th anniversary simu­la nang mag-debut siya.

Nag-debut si IU noong September 18, 2008.

Kasama ang suporta ng kanyang mga tagahanga, ang UAENA, pinili nilang i-celebrate ang 10th anniversary ng sikat na singer/actress sa pamamagitan ng pagdo-donate ng 100 million won (approximately $89,000) sa Green Umbrella Children’s Foundation.

Ang naturang foundation ay isang non-profit organization supporting children’s welfare.

May source mula sa foundation ang nag-reveal na, “IU and UAENA donated 100 million won towards scholarships for children being raised by their grandparents as well as youths from low-income families.”t

Nag-post din si IU sa kanyang Instagram account ng certificate na natanggap at may caption na Third Present at hashtag na IUAENA.

Hindi ito ang unang beses na nag-donate si IU sa naturang foundation, taong 2015 ay nag-donate na rin si IU ng 100 million won. Sa taong ito, dalawang beses nag-donate si IU, umabot na raw sa 220 million won ang naido-donate nito.

Bukod dito, ang mga fan ni IU ay nag-donate rin ng dugo in honor of the singer/actress.

Balita rin na posibleng makasama si IU sa mga singers na maglo-launch ng bagong album ngayong­ fall which is sometime in October.

Kasabay nito ang concert tour ni IU sa seven different cities sa Asia mula October hanggang December bilang bahagi ng “dlwlrma” and part of her 10th anniversary.

Magki-kick-off ang concert tour ni IU sa Busan sa October 28, then susundan na ito ng Gwangju, Seoul, Hongkong, Singapore, Bangkok at Taipei.”

Sa ngayon, mukhang sa singing muna at concert tours ang pagkaka-abalahan ni IU. Wala pang balita na bago niyang drama after ng “My Mister” niya sa TvN ng early this year.