Abante Tonite Interactive

Ivan Dorschner basura na sa buhay ni Barbie

By
3,316

NAKU, tiyak na madi-disappoint ang fans ni Ivan Dorschner na umaasang siya na ang magiging kapareha ni Barbie Forteza sa next series ng dalaga sa GMA 7.

Ang tsika kasi sa akin ng isang Kapuso network insider, after ng guesting ni Barbie sa Super Ma’am ni Marian Rivera, bibigyan na uli siya ng regular series ng Siyete at magbibida sa Bongga Ka Dai (working title pa lang yata), pero hindi si Ivan ang kapareha niya dahil si Derrick Monasterio na raw ang ipa-partner sa kanya para sa series na ‘yon.

Eh, may movie rin together sina Barbie at Derrick, kaya sila na raw ang gagawing magkapareha ng Kapuso network.

Noong una, dahil may mga guesting na rin si Barbie na ang kapareha ay ang boyfriend niyang si Jak Roberto, akala namin ay ang binata na ang ipapareha ng Siyete sa dalaga, pero hindi nga.

Anyway, sobrang na-excite raw si Barbie nang sabihin sa kanya ng mga taga-GMA 7 na ang Bongga Ka Dai ang next series niya sa Kapuso network.

Assunta pabubuntis na kay Jules sa Marso

SA set visit kahapon ng Impostora, inusisa ng press si Assunta de Rossi tungkol sa lovelife ng kanyang younger sister na si Alessandra de Rossi. Okey ba sa kanya ang rumored-boyfriend ni Alessandra na si Marc Abaya?

Naku, biglang ayaw magsalita ni Assunta. Ayaw raw kasi niyang makialam pagdating sa lovelife ng kanyang kapatid. Dapat daw ay si Alessandra na mismo ang tanungin tungkol doon.

Samantala, magsisimula na sila ng taping para sa Diary of a 30 Something ngayong February.

Excited si Assunta sa project nila na ito ng kanyang younger sister. Ibinalita nga ni Assunta na nagpirmahan na si Alessandra at ang Viva para sa project na ito na ipapalabas daw sa isang cable channel.

“‘Yung mga dialogue kasi namin, hindi puwedeng pang-free TV,” sey ni Assunta.

Pero baka last project na raw muna niya ang Diary of a 30 Something dahil gusto na niyang magbuntis ngayong March at ‘yon daw ang usapan nila ng mister niyang si Jules Ledesma.

Tamang-tama naman daw na matatapos na ang taping ng Impostora dahil hanggang sa February 9 na lang ang airing nila.

Ogie gagawa ng kanta para kay Kris Bernal

SA interview namin kay Kris Bernal naikuwento niya na gusto niyang mag-voice lesson dahil gusto niyang maglabas kahit ng single lang. Nag-suggest ang press sa kanya na magpatulong kay Ogie Alcasid.

Kilala si Ogie na gumagawa ng kanta para sa ibang mga singer, kaya sabi ng press kay Kris, maganda kung si Ogie ang magko-compose ng kanta para sa kanya.“Nahihiya naman ako,” sey ni Kris.

Right there and then, tinext ko ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid at natuwa naman ang singer/songwriter at sinabing puwede siyang kontakin ni Kris para sa bagay na ‘yon!