Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana 2 araw nagpaligaya

0 322

Ang bilis talaga ng pagtaas ng subscribers sa YouTube ni Ivana Alawi. Last Dec. 2020 lang nang ipinagdiwang niya na umabot na siya sa 10 million subs sa loob lang ng isang taong pagiging vlogger, ngayon ay nasa 13M na agad ito.

At dahil nga 13M subs na siya, namahagi si Ivana ng mga biyaya sa 1,300 katao bilang pasasalamat. Bawat isa ay binigyan niya ng eco bag na naglalaman ng mga paborito niyang pagkain kabilang na ang “Adobo ala Ivana” na siya mismo ang nagluto.

Bukod sa bag na puno ng pagkain ay namigay r5in siya ng P1,000.00 sa mga ito.

Makikita sa latest vlog ni Ivana na siya mismo ang nag-repack ng mga ipinamahagi katulong ang kapatid na si Hashim at ang ang kanyang ina. Kapansin-pansin na wala ang younger sister na si Mona sa video na pinagpahinga muna nila since nagpapagaling pa ito.

Dalawang araw na nagbigay ng ligaya at namamahagi si Ivana ng ecobags, 650 bags sa day 1 and another 650 sa day 2.

Maging ang aktres ay hindi makapaniwala sa bilis ng pag-akyat ng bilang ng kanyang subscribers.

“Hindi pa rin ako makapaniwala, sobrang bilis ng pangyayari. Hindi yata ako nakapag-celebrate ng 12 million pero ito kasi, pinaghandaan ko talaga. Ilang buwan ko na siyang nire-ready, ‘yung mga ipapamigay,” aniya.

“Mas maganda talaga na ibalik ang blessing. This is my own small way of celebrating a milestone,” dagdag pa niya.

Matatandaang August, 2019 lang nagsimulang mag-vlog si Ivana at first video pa lang niya ay nag-hit agad and since then, halos lahat ng videos niya ay milyon-milyon ang views. After a year ay naka-10M subs na siya agad at ngayon ay isa na sa pinakasikat na vloggers sa bansa.

Sarah pampa-good vibes mga hugot

Nakaka-touch ang naging mensahe ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa katatapos lamang na ASEAN-Japan Music Festival 2021.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ni-represent ni Sarah ang Pilipinas sa nasabing international music festival.

SM food to go Banner Ad

Sa ginanap na virtual show, aside from performing her single, Isa Pang Araw, Sarah delivered a moving message.

“The past year has been very challenging for all of us. We have been affected in so many ways and have experienced different kinds of loss – from losing jobs, opportunities, hope, and the most painful, losing a loved one.

“Our minds are filled with anxious thoughts and we ask, ‘When will this end?’” simula ni Sarah.

Ayon pa kay Popstar, ang mahalaga sa panahon ngayon ay life, family and time at in-encourage ang lahat to show empathy and care for one another.

“Let go of resentment. Choose peace and freedom over hate and imprisonment. Let love and kindness rule our hearts every day,” she said.

“Life is a gift that we should be grateful for. If there is one thing I learned, my faith in God is the only constant thing I can rely on during times of uncertainty.

“It may seem hard to do, but let us remain hopeful. Let us continue to celebrate life, because this too shall pass. Let us continue to create beautiful memories with our loved ones however we can and while we still can,” pahayag pa ni Sarah.

Susan bakunado na

Bakunado na kontra COVID-19 ang veteran actress at tinaguriang Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces.

Ang kaisa-isa niyang anak na si Sen. Grace Poe-Llamanzares ang nag-anunsyo nito sa kanyang Instagram page.

Nag-post si Sen. Grace ng larawan ng ina na nasa vaccination center at sa taas ay nakalagay na “proud to be vaccinated.”

Caption ni Sen. Grace, “kung kaya ng nanay ko, kaya rin natin. Magpabakuna na,” at ginamitan ng hashtags na #RESBAKUNA, #BidaSolusyon, at #VaccineWorks.

Leave A Reply

Your email address will not be published.