Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana anghel na maharot

0 91

Nanginig na naman ang mga kalamnan at nagngangalit ang mga ugat ng mga barako. Ito’y dahil sa bagong photo pasabog ni millennial bathaluman Ivana Alawi.

“Angel” ang caption ni ladu Mariam Sayed Sameer sa kanyang latest fashion pictorial. Very Madonna ang kanyang dating dahil nga she gave the virginal color of white sexiness and sauciness.

Ang kanyang white brassiere top, na may long gloves at balakang hugging long skirt, more than .5 million views ang appreciation numbers at tiyak na pag labas ng pitak na ito, baka nearing its 1M views na ito, huh!

Ang lakas-lakas talaga ni Alawi sa social media, huh! Nag-strike a pose and vogue lang na puti ang suot. Meron lang siyang provocative posing with one larawan na may kasamang boy borta in black palazzo pants at sando made of rings humataw na sa views.

Ang diva that you love, aliw na aliw sa mga payanig ni Ivana Alawi dahil nga she gives a new definition to the words sex appeal and sex kitten. Para sa akin, siya talaga ang Alma Moreno of the millennial generation. Alluring ang alindog pero hindi bastusin.

Vice kuntento ng 3 taon kay Ion

May happy couple photos muli sina Queen Bayot Vice Ganda at ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso na si Ion Perez. Ang caption ni Jose Marie sa larawan ay “Whatever happens LOVE happens.” Hindi pwedeng itanggi na ang tatlong taong relasypn nina Ganda at Perez ang isa sa mga pinakikialamang relasyon ng mga nakakainis na nagmamalinis pero marumi rin naman. Ayaw nilang paawat sa kanilang suklam at poot sa pinagsasaluhang pagmamahalan ng dalawa.

Hindi sila nanalig na pangmalakasan at pangmatagalan ang relasyon nina Vice at Ion. Mas gusto nilang panghawakan ang kanilang mga katwirang wala sa tamang hulog kesa tanggapin ng walang halong pag-iimbot ang different kind of pink love na meron ang dalawa.

Nakakapagtaka na kung kailan leaps and bounds na ang progress ng rainbow community, sangrekwa na ang BL dramas na nagpapakita ng wagas na pagmamahalan na pwedeng pagsaluhan ng dalawang lalaki, ayaw tumanggap sa katotohanan na ang pagmamahal ay walang kasarian.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Kaya kina Vice Ganda at Ion Perez, mabuhay kayo. Naway ngayon, bukas at magpakailanman ang inyong romansa at pagmamahalan.

Toni binigyan ng leksyon

Pangmalakasang trending topic ang Toni Gonzaga at Toni sa Twitter. Bakit kaniyo? Ito ay dahil sa panayam ni Mrs. Celestine Gonzaga-Soriano sa dating senador Ferdinand Marcos Jr.sa kanyang onine palatuntunan.

Oo, karapatan ni Mrs. Soriano na gawing ‘bombastic’ at ‘exciting’ ang kanyang mga panauhin. Lalo na nga’t tinitiyak ng isang kontrobersiyal na panauhin ang mas maraming mga manonood sa kanyang online programa.

Hindi rin wala sa hulog na “light” at “breezy” ang usapan niya sa dating senador dahil nga “lifestyle” o “magazine format” ang kanyang pagtatanghal. Ang totoo, mabuti at maganda tungkol sa kanyang kinakapanayam ang paksa sa nasabing talakayan.

At hindi rin naman ang dating senador lang ang politikong naging panauhin ni Mrs. Soriano sa kanyang online payanig .

Kung paano nakipag-usap si Toni kay Ginoong Marcos, na parang hangang-hanga siya pagkukuwento nito at pag-alaala sa kanyang nakalipas, ay hindi pa rin mali dahil nga nasa demokrasya tayo. It is her show. Kung ayaw natin sa kanyang panauhin, eh di ‘wag itong panoorin.

Ang pinakamalaking pandudurog kay Mrs. Soriano, sa kanyang pagiging panauhin kay dating senador Marcos ay ang pampulitika at makasaysayang rebisyon na nangyari sa programa.

Kaya kay Toni , naway may leksyon na binigay at natutunan sa mga panlilibak na natanggap dahil sa pangyayaring ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.