Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana ayaw pakabog kay Zeinab

0 313

NI: ARCHIE LIAO

Aliw ang pakikipag-collab ni Ivana Alawi sa kanyang co-vlogger na si Zeinab Harake.

Sa latest entry sa kanyang vlog, plinano ng kanyang team kung paano nila ipra-prank si Zeinab.

Nag-set up ang team niya ng CCTV sa venue kung saan nila gagawin ang panggu-gudtaym kay Zeinab.

Kinakuntsaba ni Ivana ang kanyang team kung paano nila plaplanuhin ang pagpra-prank sa half Pinay, half-Lebanese vlogger.

Sa text pa lang niya kay Zeinab, nagparamdam na si Ivana ng kanyang cold treatment sa reply niya sa kanyang kapwa YouTube Star.

Sa vlog, nag-emote pa kuno si Ivana sa kanyang team kung saan sinita pa niya ang mga ito tungkol sa kanilang trabaho.

Dahil mukbang ang tema ng kanilang collab ni Zeinab, nagmaldita rin ito sa isang staff dahil di raw niya umano type ang lasa ng pagkaing ini-serve sa kanila.

Nag-attitude rin ito at nag-prima donna habang inaayusan ng stylist. May hanash itong di raw niya bet na pareho sila ng ayos ni Zeinab.

Obvious naman na na-stress si Zeinab sa pagiging demanding ni Ivana.

Gayunpaman, nanatiling kalmado si Harake na pilit ding pinakakalma ang team ni Ivana.

Sa huli, lalong naloka si Zeinab kay Ivana nang sabihin nito na ire-schedule na lang nila ang kanilang collaboration.Dito na nag-react ang una. Ayaw na pakabog ni Zeinab sa attitude ni Ivana.

Sinabi naman ni Alawi na ‘prank” lang ang lahat kaya’t napamura na lang si Zeinab.

Humanga naman si Ivana sa kabaitan at pagiging kalmado ni Harake sa kabila ng mga pangyayari.

Sa kasalukuyan, may 14.5 million subscribers na si Ivana sa kanyang YouTube channel samantalang meron namang 11.5 followers si Zeinab.

Leave A Reply

Your email address will not be published.