Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana bagay na ‘Dyesebel’

0 123

Kung hindi niyo pa nasisilayan ang larawan ni bathaluman Ivana Alawi na very much like Ariel mula sa musical animation classic na “The Little Mermaid,” saan ba kayo nagtatago, sa kuweba? Sa disyerto? O laging alimuom ang sininghot niyo kaya sa pansitan na naman ang lagapak niyo?

Kung sino man ang may pakana para sa pictorial concept na ito para sa isang sardines brand kung saan si Alawi ang ambassadress, palakpakan na may kasamang sigawan for you! Ang galing at talagang kabigha-bighani ang dating, Talagang lalong tumingkad ang alindog at rikit na nakakarahuyo ni Ivana.

At dahil sa posing niyang ito, parang high time para ibalik sa pop culture at consciousness nating lahat ang pinaka-iconic na Philippine mermaid, si “Dyesebel”. Sa pag strike a pose and vogue ni Alawi bilang sirena, alam na alam na kung sino ang dapat magbigay katauhan sa hindi malilimutang fictional heroine na gawa ni the late great Mars Ravelo.

Kung ang “Darna”ay hindi makaalagwa at makalipad dahil sa dami ng mga aberya, hindi kaya na mas lalangoy at mag-super make waves ang “Dyesebel” with the bathaluman Ivana Alawi as the bida? Ay, panalong-panalo!

AJ tinalakan ni Jeric sa basang kamison

Almost 3million views and counting ang car wash vlog ni millennial sexy nymphet AJ Raval.

At bakit sangrekwa ang naging mausisa sa vlog paandar na ito ni Bb. Raval? Kasi naman ang suot niyang saplot habang ginagawa ang good girl deed eh puting kamison.

Hindi ba gusto ko na tuloy manalig na sa kanya ipinamana ang magic kamison, huh! So girly and totally flirty na makita si AJ na may hawak-hawak na medyo katabaang hose na pumupuslit-puslit ang tubig rito. Mahusay ang pagkakahawak niya sa mahabang hose, sakmal na sakmal talaga niya.

Sa true lang, nakakamanghang panoorin ang kanyang eagerness at seeming innocence sa paglilinis ng malaking sasakyan.

Siyempre pa dahil nga ang magic kamison ang kanyang suot at talaga nga namang may nagtilamsikang tubig sa kanyang dibdib, alam niyo na ang screaming for attention na hindi sinasadya ang kanyang mga basang susong dalaga with matching naninigas na utong. Hala ka, ate ghorl!

Ang bumasag lang sa trip ni AJ, ang biglang pagbulaga ng tatay nitong si Jeric Raval na ang kuda sa anak na dalaga ay: “Maglilinis ka lang ganiyan pa ang suot mo. Tignan mo ang daming nakatingin. Sige.. habang sinisipag ka sama mo na iyan…” sabay turo ni Raval sa isa pang kotse nila.

Pagkatapos siyang sitahin ng kanyang papa don’t preach, biglang-bigla, stop in the name of love ang prinsesang naka-magic kamison at babu na ang vlog.

Ang daming kana against AJ Raval dahil sa choice of dress niya habang naglilinis pero tila wala na siyang paki sa mga inggitera at sawsawera. Achieved na niya ang purpose niya at ang patotoo ay ang sangrekwang vlog views, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.