Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana ‘binasura’ si DJ Loonyo

0 147

Naglabo-labo sa Twitter kahapon ang mga fans nina Ivana Alawi at DJ Loonyo matapos magbitiw umano ng mabigat na salita ang huli sa LooVana fans.

Ayon sa mga fan ay nagpahayag daw kasi si DJ Loonyo ng “wala akong dapat ipagpasalamat sa inyo” sa isang thread na later ay itinanggi naman ng dancer/choreographer/DJ.

Dahil dito ay nag-trending ang hashtag na #DJLoonyoAttitudeProblem last Sunday at katakot-takot na pangba-bash ang inabot niya mula sa mga netizen at sa LooVana fans.

Ang LooVana ay pinaghalong Loonyo at Ivana na binuo ng mga fan na pabor na magkatuluyan ang dalawa.

Pero dahil nga sa diumano’y strong statement ni DJ Loonyo na wala siyang dapat ipagpasalamat sa fans, sobrang na-turn-off ang kanyang mga supporters at nag-withdraw na ng suporta.

Sa gitna nito ay biglang umingay ang balitang in-unfollow na ni Ivana si DJ Loonyo sa Instagram at timing naman na nag-tweet ang sensational YouTube star last Sunday ng tungkol sa humility na tila parinig kay DJ Loonyo.

“I will always remain humble because I know I could have less. I will always be grateful because I know i’ve had less. A Beautiful 2021 for all of us. Love you guys!” ang tweet ni Ivana.

Ini-retweet ito ng kanyang mga fan at ngayon ay umaabot na sa mahigit 39,000 likes. Bukod dito, nag-trending din ang topic na “Ivana AlwaysandFOREVER” kahapon at napakaraming netizens and fans ang nagpahayag ng suporta sa sexy actress.

“You deserve a love that you don’t have to question , you deserve someone who is sure of you,” tweet ng isang netizen.

“The lady who is beautiful inside and out. The lady with a golden heart,” papuri naman ng isang fan.

“I’m so excited what’s ahead of you queen

@IvanaAlawi. I can’t wait for your “THE ONE” to come. Someone who will never hurt your precious heart. As I always say- I LOVE YOU, and will always do,” mensahe naman ng isa pang tagahanga.

“Mahal k nmin.. Ang ganda ng puso mo.. Hanggad nmin ang lalaki n mag mahal sau ng totoo at wagas..” another fan tweeted.

Tweet naman ng isang LooVana fan, “almost of loovana’s are hurting right now because of the truth that we’ve found out. We felt betrayed by not you but to the other person because we were hoping there is a chance.. but our consolation is you. We love you so much!”

@@@

Isko wala sa utak maging presidente

Kinumpirma na ni Manila Mayor Isko Moreno na wala siyang balak na tumakbo bilang presidente ng bansa sa darating na 2022 presidential elections.

“Wala po,” diretso niyang sagot nang tanungin siya sa panayam ng CNN Philippines kung may plano siyang tumakbong pangulo.

Kasama ang pangalan ni Mayor Isko sa top 5 Presidential bets for 2022 elections sa latest survey ng Pulse Asia. Sa 2,400 respondents, 12% nito ay nagsabing iboboto nila si Yorme habang si Davao City Mayor Sara Duterte naman ang nanguna sa listahan with 26%.

Ayon kay Yorme, nagpapasalamat siya at napasama siya sa listahan pero sa ngayon, ang focus daw niya ay malutas ang pandemic sa kanyang syudad.

“Thank you very much sa inyo dahil sinasama n’yo ako. It’s an honor. But let us just go back to reality. Reality is there’s (a) pandemic.

“More than political growth or career growth no… Hindi ko talaga siya ine-entertain. I would rather focus on Manila, and focus on the pandemic.

“If we can offer a lot of things to ease the burden, the effects of this pandemic to the lives of every family in the city of Manila, I will do so,” pahayag ni Yorme.

Noon pa ay maingay na ang pangalan ni Yorme bilang isa sa presidentiables sa susunod na halalaan pero sa isang panayam, kinumpirma niyang tatakbo siya for sure ngunit hindi na niya sinabi kung anon’g posisyon.

May mga tsika rin kasing lumulutang na baka vice president ang takbuhin ni Yorme at running mate umano nito si Sen. Manny Pacquiao since namataan silang magkasama late last year.

Leave A Reply

Your email address will not be published.