Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana ‘binuking’ ang utol kay Donnalyn

0 113

Nag-post ang controversial vlogger at actress na si Donnalyn Bartolome hinggil sa pale pink roses na natanggap nito kamakailan from an unknown sender.

Hirit ni Donnalyn, initials lang daw ng admirer ang nakalagay sa card na kalakip ng mga roses.

Nagkomento naman agad si Ivana Alawi sa hanash ni Donnalyn.

“Aba, effort”, sey ni Ivana.

May mga kinilig naman sa emote ni Donnalyn na pruwebang very much desirable pa rin ang beauty niya sa mga hombre.

Kahit walang binabanggit na pangalan, natumbok naman ng mga netizen na malamang na ang brother ni Ivana na si Hashim ang sinasabing secret admirer ni Donnalyn. Posibleng ito ang nagpadala umano ng nasabing roses.

Inuurot naman ng ilan si Ivana na umano’y patay malisya ito sa motibo ng kapatid . Pinaratangan din siya na umano’y ibuking si Hashim para ‘makaganti’.

Kamakailan kasi na-prank ni Hashim si Ivana dahil minaniobra nitong mapagastos ang kapatid ng almost P400 k sa kanilang challenge.

Matatandaang nabisto rin na malaki ang crush ni Hashim kay Donnalyn nang mag-guest ang huli sa vlog ni Ivana noon.

Manny aminadong dating babaero

Sa vlog ni Karen Davila, binisita niya ang mansion ng international boxing icon na si Manny Pacquiao.

Sa pasakalye ng broadcast journalist, pabiro nitong binanggit ang tungkol sa balitang napikon umano ang senador kaugnay sa kanyang panayam noon kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa educational attainment ng Pambansang Kamao.

Ani Karen, akala raw niya ay susuntukin siya ni Manny sa pagpasok niya sa bahay nito.

Sey naman ni Pacman, pinaghandaan daw talaga niya si Karen at ipinagluto pa.

Sa kanilang tsikahan, nabanggit ni Manny na nabili nila ang bahay sa eksklusibong subdivision sa Makati.

Sa pagbabalik-tanaw, sinabi rin ni Manny kung paano siyang binago ng Panginoon.

Dati-rati raw kasi ay babaero umano siya at maraming bisyo nang makatikim ng tagumpay.

Wake up call sa kanya ang kanyang pagbangon mula sa pagkatalo noon.

Nang magkaroon daw siya ng personal na relasyon sa Diyos, doon daw nabago ang kanyang buhay.

Bumilib naman si Karen sa disenyo ng bahay na ayon kay Manny ay ideya lahat ng kanyang misis na si Jinkee.

Nakapanayam din ni Karen ang mga anak ni Manny at sinabi ng mga ito kung anong klaseng ama ang national treasure.

Matatandaang nauna na ring nilinaw ng senador na hindi siya na-offend sa mga naging tanong sa kanya ni Karen .Pati na rin ang pang-uurirat ni Davila sa college degree ni Manny.

Ayon pa sa senador, kasalukuyan siyang nag-aaral pa rin ng kanyang Masteral degree.

Hirit pa niya, naniniwala siyang habang nabubuhay ay dapat lang na matuto ng mga bagay-bagay dahil marami pa umanong pwedeng matutunan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.