Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana, DJ Loonyo tuloy ang ‘harutan’

0 332

Ilang kadyot, kandirit, kembong at kendeng pa ba, totoo na ang relasyon nina millennial bathaluman Ivana Alawi at ni dancer, choreographer DJ Loonyo?

Kasi naman, silang dalawa ang tinuturong dahilan kung bakit may kung ilang oras nag-trending ang DearCHAROwithIVANA sa Twitter, huh.

Si Rhemuel sa may appearance sa KUMU para sa kampanya na humihingi ng tulong para sa mga sinalanta ni bagyong Rolly. Si Alawi naman, panauhin ni Madam Charo Santos Concio sa nasabing platform din. Sabay na sabay ang respective appearances ng dalawa, parehong 8pm at para sa kanilang supporters, hindi nagpapatulbugan kundi nagutulungan ang dalawa para sa kasiyahan ng kanilang mga supporter.

May isang tweet pa nga na walang takot na ipinahayag na: “Great friends. Special friends” ang dalawa at may sundot pang: “Respect Private Relationship.”

At may isa pang larawan, kamay ng isang babae at lalaki na magkakapit ang hinliliit at may linyang “Promise me whatever happens tomorrow, you’ll bever leave me” ay itinuturong pangako daw nina Ivana at Loonyo para sa isa’t-isa.

Juice colored! Iba rin pala ang imahinasyon ng LooVana fans, huh! Talagang walang halong pag-iimbot at buopng katapatan ang kanilang pananalig sa romansang pinagsasaluhan nina Alawi at Rhemuel.

Akala ko pa naman tapos na ang harutan na ang diva that you love ang pakiwari ay para lamang tumaas ang kanilang YouTube subscribers. Mali pala ako. Tuloy-tuloy pa rin pala ang lambingan at labing-labing, huh!

Sa LooVana fans, hindi ko babasagin ang inyong wishing, hoping and praying tungkol sa diumanong romansahan na namamagitan sa bathaluman at dancer choreographer. In this day and age of the COVID 19 virus, maganda naman na mas kinikilig at masaya ang marami kesa ma-anxious at ma-upset.

Panahon na ba na isigaw natin ang “mabuhay ang bagong kasal” para kina Mariam Al-Alawi (tunay na pangalan ni Ivana) at Rhemuel Lunio? Bet or hindi bet? Spin a win!

Leave A Reply

Your email address will not be published.