Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana game pumasok sa PBB

0 57

NI: ARCHIE LIAO

Natupad ang wish ni Ogie Diaz na maka-collab ang pantasya ng bayan na si Ivana Alawi.

Sey ng aktres, bago raw siya naging successful vlogger, katakot-takot na rejections din ang kanyang dinanas.
Kung saan-saang shows daw siya nag-audition, pero lagi raw siyang nganga.

Katunayan, nag-try nga raw siya noong mag-audition sa Bahay ni Kuya pero kung sa anong kadahilanan ay ligwak siya.
Gayunpaman, hindi raw naman niya ikinasama ng loob ang naranasang pagkabigo.

Naging inspirasyon daw ito para magsikap siya on her own hanggang sa magka-teleserye siya.

Sa naturang vlog, natanong din siya tungkol kay Joshua Garcia na aminadong crush niya.

Pero, nilinaw niya, hindi pa raw sila nagkikita nang personal ng actor although nakakapag-DM na raw sila sa isa’t-isa sa Instagram.

Ang pagiging cute, mukhang mabait at family-oriented daw ang mga katangiang gusto niya kay Joshua.

Nais din daw niyang makatrabaho ito balang araw sa isang proyekto.

Nang tanungin naman kung ivlo-vlog niya kung sakaling ligawan siya ni Joshua, agad naman niya itong itinanggi.
Aniya, ang mga bagay daw na tulad noon ay hindi ivlino-vlog kundi isinasapribado.

Willing din daw siyang pumasok sa PBB kung sakaling isasama siya sa reality show . Feeling niya ay kaya naman niya ang mga task na ipagagawa sa kanya.

Sa kaso naman ng kanyang kapatid na si Mona na merong karamdaman, handa raw siyang ubusin lahat ng pera niya para lamang maipagamot ang kapatid.

Hanga rin daw siya sa katapangan ng kanyang kapatid lalo na sa pinagdaraanan nito na aniyaý bumubuti na ang kalagayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.