Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana hindi marunong mag-compute

0 153

Ang second highest earning Filpino star sa YouTube, si Ivana Alawi, grabehan pala kung magbigay ng regalo sa kanyang mga minamahal sa buhay. Todo kung todo, parang hindi marunong mag-compute, huh!

Ang masuwerteng benipisyaryo ng mga regalo ay ang kanyang bunsong kapatid. Ito’y si Mona Louise Rey naging bida sa pangdramang pagtatanghal ng Kapuso.

One more year to go ay nasa voting age na si Mona kaya on her 17th kaarawan, ang mga iniregalo ng millennial bathaluman sa kapatid ay PS5, baking tools at air purifier.

Si bunso, ayaw talaga ng magarbong selebrasyon. Pero,si ate, sa gifts na alam niyang deserved na deserved ni Mona ang ibinigay. Ayaw nga rin nito ng mga regalong sobrang “mamahalin.” Tunay siyang nagpapasalamat sa kanyang ate, pati na rin sa kanyang kuya at mommy dearest.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maraming netizen ang tuwang-tuwang at pinuri ang ginawa ni Ivana para sa kapatid. May heart of gold ito. Panalo na priority ng major, major YT star ang kanyang pamilya.

Maganda na, mabait pa at generous. Hindi na dapat magtaka at mahibang kung bakit si Ivani Alawi ang bukod tanging babaing pinagpala sa lahat.

Siyanga pala, si Alex Gonzaga ang Miss Number One sa pagiging YT earner.

Leave A Reply

Your email address will not be published.