Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana, Inigo winner sa YouTube

0 1,012

Hindi pwedeng makaila na sa YouTube sikat na sikat si millennial bathaluman Ivana Alawi at ni sing and dance matinee idol Inigo Pascual.

Estrella ang digits ni Alawi, huh! 10 million subscribers nga ba in 14 months ang kanyang YT channel? Walang dudang hooked na hooked ang kanyang audience sa kanyang mga paandar, pasabog at mga payanig.

May collaboration chikahan na rin siya sa iba pang YT sikat-sikatan personalities.

Panalo sanang malaman kung sa subscribers niya, ilang porsyento kaya ang Pinoy at foreigners? Ano ang mas maraming sumusubaybay, girl, boy, bakla o tomboy ba?

At pag ganiyan na kalaki ang subscribers mo, siguradong ang tinatanggap niyang honorarium sa YT eh of so many zeroes na, sapat na ba iyon o sobra-sobra na para sa bathaluman kaya kahit wala munang proyekto sa telebisyon o pelikula, pang lifestyle of the new moneyed and famous pa rin ang dalaga?

Si Pascual, naman ‘yung kanyang one hit wonder single, ang “Dahil Sa Yo” ang most viewed original Filipino song sa YT with a staggering 100 million views and counting.

Ang only begotten son ni Papa Piolo, talagang mahirap tibagin ang niche bilang mang-aawit.

In fair Verona to the song, danceable siya, nakaka-LSS and dama naman talaga na muy simpatico ang binata.

Ngayong parehong YT sensations sina Alawi at Pascual, mayayanig ba lalo ang mundo ng kanilang fandoms kung magiging collaborators sila sa isang vlog or music video?

Wow. Bathaluman meets binatang makisig. Tiyak na marami ang kikiligin at maaring mabasa at magpawis pag sina Ivana Alawi at Inigo Pascual ang maging mag-asawa kahit sa YT universe lamang.

Iza, Jameson nagbabaga ang laplapan

Ang mga marurupok at tigang, ayaw paawat ang mga panawagan at panaghoy dahil kina Iza Calzado at Jameson Blake.

Panawagan kasi lahat sila ay napa-OMG with matching sana all, At panaghoy kasi inggit na inggit sila kay La Calzado. Bet nila itong buhukan, gurlisan at ilabas ang mga manika nila at karayom para gupuin ang alindog nito. Ang savage! Hahahaha!

Para malaman niyo kung bakit namumuro na naman si Maria Izadora sa team bangas at gurlis, pumunta kayo sa Twitter at inyong mapapanood ang marubdob na laplapan nila ni Blake.

Yes, hindi tamis ng unang halik levels. Mas lalong nunca na baby or butterflies kisses. Laplapan with a capital L. Ngabngaban ng mga labing uhaw. Hayok na hayok, Sabik na sabik.

May pa-puwet pa si Blake na eksena habang nakapatong kay Iza

Alam ko parang may May December serye sina Calzado at Jameson na the title escapes me as the diva that you love writes this pitak.

Sigurado marami na naman ang umaasa na they have what it takes to be in a cougar and cub relasyon/. Juice colored! Kasing devastatingly beautiful ba kayo tulad ni Iza para magkaganyan. Tama na ang pagiging GSIS, gising sa iusyon, sisters! Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.