Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana kabado kina Gerald, Sam

0 311

NI: BETH GELENA

NATUTUWA si Ivana Alawi dahil very successful na siya bilang isang vlogger ngayon ay masasabi na rin niyang fulfillled actress.

First time na magbibida ang seksing aktres after niyang pumirma ng kontrata two years ago sa Kapamilya network.

Dapat ay ilo-launch na siya sa teleseryeng ‘Ang Lihim ni Ligaya’ pero nagkaroon ng pandemya kaya nag-beg off ang sensational vlogger.

‘Di raw niya kasi kakayanin ang lock-in taping nu’ng time na ‘yun.

Ngayon ay nag-taping na siya sa ‘ A Family Affair’

Ayon kay Ivana, kinakabahan siya sa apat na leading men lalo na sa dalawang hunk aktor na sina Gerald Anderson at Sam Milby.

“I was very excited especially [with] the whole cast. [Pero] pagpasok ko, natatakot ako, kinakabahan ako kasi Gerald and Sam, mga pinapanood ko lang iyan noong bata ako! Hahaha! ’Tapos, siyempre, excited to work with Jake (Ejercito) and Jameson (Blake),” sambit ni Ivana sa kanyang vlog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.