Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana kinabog ni Christelle

0 199

Marami ang kinutuban at buo ang pananalig na si Ivana Alawi, ang bathaluman ng makabagong henerasyon ang tatanghaling calendar girl ng nakakalasing na inumin.

Sorry na lang sa mga barakong inakala na si Alawi ang magpapatigas sa kanilang muscles at magpapagalit sa anim na kalendaryo para sa paparating na taon dahil ang mapalad na calendar girl ay ang Ms. Universe Philippine Aklan candidate Christelle Abello

Yes ang minsang pinagreynahan nina Kim Domingo, Pia Wurtzbach at Sanya Lopez, kay Christelle na matutoon ang init at pantasya ng mga Pinoy macho men.

Very dusky, articulate at Filipina beauty si Bb. Abello. Refreshing at mas lalong gumaganda talaga ang isang babae kapag ito ay matalino. Kahit sa California ito lumaki at nakapag-aral, matatas sa Filipino at ipinagmamalaking ang kanyang nanay.

Bet ko ‘yung she recites the first name of the person na tinatanong siya at ang mga sagot niya are always precise at sincere.

Sa mga artistang babae., idolo niya ang si Anne Curtis at hinahangaan niya ang humility nito, sense of humor, fashion at pagiging aktres.

Sa mga lalaki, dahil siya raw ay team KathNiel, betcha bye golly wow niya ang young superstar Daniel Padilla.

At parang kinikilig siya sa thought sa possibility na makatrabaho ito sa malapit na hinaharap. Focused muna siya ngayon sa kanyang pagiging kalahok sa Ms. Philippines-Universe. Inamin din ni Bb. Abello na kung darating ang panahon na may oportunidad na dumating para maging bahagi ng showbiz. hindi niya hihindian ito at nangangakong ibibigay ang kanyang best.

SM food to go Banner Ad

Well, the future seems bright for Christelle Abello. At sa kanyang ipinakitang alindog at rikit sa kalendaryo, pushed na pushed ang kanyang estrella, huh.

Bangungot sa career ni Super Tekla

Wala akong balak husgahan ang komedyanteng nagpapanggap lamang na bading, si Super Tekla. Oo, kahindik-hindik ang mga akusasyong ibinalibag ng kanyang live in partner sa kanya pero dapat maging patas tayo. Nagsalita na si Super Tekla na hindi raw totoo ang akusasyon sa kanya at nasa tamang katinuan pa siya.

Tama naman na hindi niya isinalang ang kanyang sarili sa palatuntunan kung saan ibinahagi ng kanyang live in partner ang kanyang kakaibang tripping.

Dapat, makipagkonsulta na agad si Super Tekla sa kanyang legal counsel .Mainam din na makipag-usap siya sa isang psychiatrist para ma-assess ang state of his emotional at mental health . Para magabayan at mapayuhan ngayong durog-durog ang kanyang pagkatao at pagkalalaki dahil sa mga sumbong ng kanyang dyowa.

Sa totoo lang, isang bangungot ito sa namamahala ng karera ni Super Tekla. Tiyak, matatagalan pa ang kanyang pagti-trending sa social media . Magiging usapin pa ito ng mga dalahira at katkatera dahil ang mga pasabog na isinambulat, hindi madaling tanggapin at i-proseso.

Ang isang bagay lang na hindi ko talaga maunawaan, ano ba ang taglay na pambihira nitong si Super Tekla at may mga babaing nahuhumaling, nararahuyo, minamahal at nagpapaanak pa sa kanya?

Sa mga balita, pangalawang babae na ito sa buhay ni Super Tekla.

Magandang subaybayan ang kabanatang ito sa karera ni Super Tekla dahil siguradong tayong mga nagmamasid, may mga aral na mapupulot.

Leave A Reply

Your email address will not be published.