Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana malapit nang mag-reyna sa YT

0 229

NI: VINIA VIVAR

Isang taon pa lang ang YouTube Channel ni Ivana Alawi pero umabot na siya sa 10 million subscribers. Isang napakalaking milestone actually. Ipinagdiwang ng sexy actress ang bagong achievement sa kanyang Instagram account.

Nag-post si Ivana ng larawan nila ng kanyang pamilya at sa caption, aniya, “HAPPY 10 MILLION!!! 1 year and 2 months on Youtube. Thank you for making all this possible. We love you!!! -Alawi Family.”

August, 2019 nang unang mag-upload si Ivana ng kanyang vlog sa YouTube and after a few months ay pinag-usapan na agad ito dahil sa millions of views na natatanggap ng kanyang videos.

Dahil sa mga vlogs niya ay sumikat nang husto si Ivana at ngayon ay isa sa mga kinikilalang YouTube Superstar. Isa na rin siyang calendar girl ng isang nakakalasing na inumin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.