Abante Tonite Interactive

Ivana may pagbabanta sa mga marurumi ang isip

1,030

Ang lahat ng mga barakong totoo ngayon, all eyes kay Ivana Alawi. Iba ang alindog, rikit at natural na pangrahuyo ang meron ang petite na sexy belle.

Walang duda, lahat ng mga tigasing kalalakihan, aabangan ang bago niyang pakatas, na may nakakaliting pamagat na “Ang Lihim ni Ligaya.”

Ayon sa mga pralala, siguradong sensual at sexy ang programang pagbibidahan ni Alawi. Ano nga kaya ang lihim ni Ligaya? Mataba kaya ang inilalako niyang tilapia? Masarap bang sipsipin ang ihahatag niyang tahong sa dulang?

Ang uhaw na lupa ni Ligaya, madidiligan at maararong kainaman at kaigihan na kaya?

Ang mga lalaking mabibighani at magpapatigasan para sa katauhan ni Ivana ay gagampanan nina Kit Thompson at Raven Molina.

Ayon pa sa balita, maaring sa Kapamilya Gold timeslot ito mailagay. Kung magkakatotoo ang kanilang dream timeslot, juice colored! Sina Mang Victor, Aling Tacing, Yaya Loring at iba, makakapag-siyesta pa kaya sila ngayong may pampainit at pampakiliti na tuwing hapon?

Eh kamusta naman ang mga nakakainis at nagmamalinis na marurumi rin naman ang isipan ? Magdabog kaya ang kanilang collective bangs lalo na nga’t may pagbabanta ang show na sexy at sensual ito? May pangmalakasang pagkalampag kaya sila sa MTRCB na tiyak strong parental guidance rating ang ibibigay rito?

At ang pinakaimportanteng tanong, ano kayang klaseng mga paputok ang puputok at sasambulat kapag itong si Ivana Alawi eh may mga eksenang bakat kurbada at susong dalaga na? Mukhang sasagitsit lalo ang init ngayong paparating na tag-init, huh!

DJ Chacha kinampihan nina Angel, Agot, Zsa Zsa

Kahit ano pang pagtatanggol niya sa kanyang sariling posisyon, hindi makakailang sunog na sunog si Senador Rogelio “Bato” Dela Rosa sa pagmamaganda sa kanya ni DJ Chacha.

Palakpakan na may kasamang sigawan para kay DJ Chacha dahil pangmalakasan itong kumasa .Walang katakot-takot na kinana ang mabunying senador.

Eh kaso pikon pala itong s iBato. Hindi napigilan ang sariling “pumatol” sa mga sinabi ni DJ Chahcha .

Huwag na kaming dramahan na kinakastigo niya ang oligarchs. Kamusta naman po ang hindi niya pagsuporta sa batas na dapat eh matutuldukan na ang “endo” status ng mga pangkaraniwang manggagawa? Sino po ang pinapaboran niya sa desisyong ito, mabunying senador?

Kaya sa mga sumusunod na araw, aasahan ko pa ang mga pambabanas at pambubwiset sa iyo ni DJ Chacha. Deserved na deserved niyo po.

Kay DJ Chacha, mabuhay ka. Mahusay ka! Ganiyan ang babaing Filipina, palaban at alam kung paano makipaglaban, huh!

She knows where and when to strike kasi and at his weakest and most vulnerable niya tinira – sa emotional intelligence ni Dela Rosa kaya alam na alam kung bakit asar talo ang senador.

Hindi rin nag-iisa si DJ Chacha sa talakathon na ito, sisters with angry fists niya rin sina Angel Locsin, Zsa Zsa Padilla at Agot Isidro.

Politician tinuhog dyowain ang sexy actress , dramatic actor

Juice colored! Iba rin pala ang sexual appetite nitong high ranking official na ito. Simula pa noon, hanggang ngayon, saksakan ng libog at laging not one, but two ang gustong ka-sexual congress. Ang nagpapatirik sa kanyang mga mata at nagpapaigtad na mga ugat, artista.

Noong kakaupo pa lang nito sa puwesto at napagtanto niyang siksik, liglig at umaapaw ang mga perk at benepisyo na lumalagapak, ang fisrt two dyowas nito, isang bold star at isang mahusay na actor. Yes, you read it right, ang high ranking official, swings both ways, puwede sa chick, pwede sa boy. Pasok sa banga ang pagiging chickboy o sa kasalukuyan, eh sexually fluid at “straight” pa rin ang kanyang pakiwari sa kanyang sexual orientation at preference.

Noong heydays at kasariwaan pa ni bold star, talagang vavavoom ito .Kung sakaling naisuot nito ang magic kamison at nabasa na hindi sinasadya, walang duda na sangrekwang hombre ang nagngalit ang mga pambihirang taglay. Si dramatic actor naman, lahat ng baklang pumatol bago kay high ranking official, namuwalan at nabilukan, at lahat ng mga babeng nakaniig, magang-maga pagkatapos. Alamat ang pagiging isa, dalawa, may sasampalin ka pa nito.

Fast forward sa kasalukuyan, ang high ranking official, may dalawang dyowang artista na naman at ngayon, walang babae sa equation. Dalawang actor naman ang kanyang kaeskrimahan at kakungyangyangan.

Si unang actor medyo may kaputian. Si ikalawang actor, kayumangging kaligatan. Hindi na sila mga bata pero masasarap pa ring luhuran at sambahin.

Kung sabagay ang dalawang actor namang ito, eh sanay na sanay sa kalakaran. Kay rami na rin namang mga baklang director, manager at negosyante na nagpasasa sa kanilang mga palo-palong palaban. Daig pa nga naman nila ang nanalo sa lotto ngayong sila na ang favorite lollipops ni high ranking official.

Gusto niyong malaman kung sino ang high ranking official? Huwag na! Nakakarimarim naman ang kanyang kalibugan kaya hayaan na lang natin siya sa kanyang artista fixations.