Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana misteryoso ang kinasabikan

0 50

“Missed you” ang paandar ni Ivana Alawi sa kanyang Instagram page.

Sino nga kaya ang sinasabihan ni Alawi na “missed you?” Hindi kaya ang mga sumasabaybay sa kanya, pakiwari sila ang na-mi-miss ni Ivana? At dahil nga well emphasized ang kurbada sa luxe swimwear, makakaasa ba ang kanyang mga tagasuporta na sa mga susunod na araw, mas maraming pictures feature designer bikinis?

Naku Ivana, papapasayahin mo at tatanggalin ang lumbay ng mga barakong may crush sa iyo kung itotodo mo ang pa-bikini pictorial ngayong pandemya.

Waging-wagi ka sa ganyang mga pasabog!

Marian ‘aagawan’ ng trono ni Bea

Simula nang maging Mrs. Jose Sixto Dantes si Marian Rivera, marami talaga ang nakaka-miss na mapanood itong muli sa isang pangmalakasang drama, sa telebisyon o pelikula.

Mas pinili ni Queen Marian na mas karirin ang pagiging mommy dearest sa mga artistahin nilang anak ni Kuya Dong, sina Zia at Ziggy kesa magbigay buhay sa kahit na anong katauhan. Na tama naman, precious and few ang moments lalo na nga’t little miss pa ang kanyang panganay at toddler pa ang kanyang bunso.

Maliban sa pagganap, nakaka-miss na rin ang mga urban legend tungkol kay Marian. Mula sa diumanong pang-iisnab with this and that person, ang pagkulong sa this and that babae, ang pakikipag-away sa mga alleged talandi, ang mga nagkakampi-kampihan na kinaya niya at mag-isang hinarap, ang masasalimuot na nakalipas na di na maari at dapat balikan.

Being a nanay and wife becomes Marian. Kaya kung anuman ang pinagpapasahang kuwento ng mga pedikurista at taga- scrub ng mga kalyo sa foot spa, mga ala-alang nagpapangiti na lamang. Lahat ay love, love, love ang kanyang devotion at dedication in being a wonderful wife to Jose Sixto and mommy to Maria Letizia at Jose Sixto IV.

Kaabang-abang indeed kung ano ng ang susunod na pasabog sa karera ni Marian. Kung may madagdag pa sa mga urban legend, tanging panahon lang ang makakapagsabi,

Dapat na talaga siyang bumalik sa trabaho at baka maagawan pa siya ni Bea Alonzo ng trono sa GMA-7.

KoKoy, Elijah palaban sa laplapan

Ibang klase ring magpaandar ang tambalang Elijah Canlas at Kokoy de Santos para sa “Gameboys: The Movie.”

Pasabog ang movie clip nila sa YouTube na may naganap na romansahan.

Bakit napa-stop, look and watch ang nakakarami sa movie clip, kasi naman best in laplapan ang EliKoy, huh!

Sibasib kung sibasib. Ayaw paawat ang dila action. Mas lalong hindi mapigilan ang mga nakakapag-init na mga tunog na nagmumula sa kanilang mga labi. Ang pagkasabik nina Cairo at Gavreel ay totoong-totoo with matching paghuhubad pa ng mga suot na polo at himas-himasan sa kanilang mga murang manly pangangatawan.

Super level up ang laplapan na hindi nangyayari sa online series dati. Juice colored! Saan kaya patungo at paano matatapos ang halikang totoo nina Cai at Gav?

Leave A Reply

Your email address will not be published.