Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana misteryoso ang Valentino

0 69

MILDRED BACUD: Araw ng mga puso kahapon. Espesyal ang araw na ito sa mga celebrities. Kadalasan ay nasa out of town sila tulad na lamang ng couple na sina Kim Chiu at Xian Lim. Nasorpresa daw ang aktres dahil nag-iwan ng note ang nobyo kung saan sila magi-spend ng Valentines day. Hindi raw niya inexpect na fly out of town daw at sa Palawan sila magsicelebrate kasama pa ang pamilya ng aktor. Consistent din talaga sa pagiging sweet ang dalawang ito.

Marami na ring pinagdaanan ang kanilang relasyon. 2011 nang ligawan ni Xian si Kim, 2012 ng mag-umpisa silang mag-date at 2018 ng kumpirmahin ni Kim Chiu ang kanilang relasyon. Feeling ko mga ka-Cuatros sila na talaga amg magkakatuluyan. Ilang Valentines day na rin kasi ang sini-celebrate nila. Ramdam na nandun pa rin ang init ng kanilang pagmamahalan.

ROMMEL PLACENTE: Sa mga magkakarelasyon o nagmamahalan,mahalaga talaga ang Valentines Day sa kanila.Alam ninyo ba mga ka-Cuatros na may pasabog din si Neil Coleta sa mismong V-day. Nag-post siya na malapit na siyang maging ama ? Buntis kasi ngayon ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Chinkie. Sa kanyang Intagram account ay pinost ni Neil ang picture nila ng girlfriend na hinahalikan niya ang maumbok na tiyan nito.At ang caption niya rito ay “New Chapter of my life begins.Will love you both,” O di ba,sobrang happy si Neil na magiging daddy na siya? Sana lang ay maraming project ang dumating sa kanya dahil magiging pamilyado na siyang tao.Siguradong magiging malaki na ang gastusin niya.

RODEL FERNANDO: Dahil sa pandemic karamihan sa mga artista ay ipinagdiwang lang ang Valentines Day sa kanilang mga tahanan. Tulad na lamang ng pamosong couple na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Mukhang sa bahay lang sila nag-celebrate at nagtampisaw sa kanilang swimming pool. Sabagay, hindi rin puwedeng lumabas si Regine dahil napabalitang nakasalamuha niya ang COVID-19 carrier. Kailangan din niyang mag-ingat sa panahong ito. Kaiba naman ang couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Target shooting ang inatupag nila ngayong Araw ng Mga Puso. Yes mga ka-Cuatros mukhang sinasanay lalo ni Richard ang asawa sa paghawak at paggamit ng baril. Marahil, maganda itong proteksiyon at seguridad na rin sa kanilang pamilya. Hindi rin kasi natin alam na minsan ay may pangyayari sa ating buhay na hindi inaasahan. Maganda na rin ang sigurado tulad na lang ng ginagawang ito ng mag-asawa.

ROLDAN CASTRO:Marami ang nagtatanong kung sino ang masuwerteng ka-Valentino ni Ivana Alawi? Nananatiling misteryoso ito.

Ang pasabog ni Ivana kahapon sa IG ay nagsuot ng two-piece at bumati ng Happy Hearts Day.Napa-wow na lang ang mga barako sa paliyab niya.

Mukhang nasa isang resort si Ivana sa Batangas. Sino kaya ang kasama niya o ka-date?

Leave A Reply

Your email address will not be published.