Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana ‘na-bash’ sa Gerald, Derek dugyot isyu

0 394

Sinabi nga ba ni Ivana Alawi na dugyot at mukhang mabaho sina Gerald Anderson at Derek Ramsay?

Ito ang pinagtatalunan ngayon ng mga netizen dahil sa Instagram post ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis.

“Nabasa ko rin iyon tungkol sa sinabi ni Ivana Alawi na ayaw niya kila Derek Ramsay at Gerald Anderson dahil mukhang dugyot at mabaho, ” ang bungad ng post ni Nay Lolit.

“Bongga si Ivana ha, mga matinee idols na hinahangaan at marami ang nagmamahal, para sa kanya dugyot at wah appeal.

“Katakot dahil baka itanong ngayon kay Ivana sino ba ang mabango at type niyang lalaki, masagot kaya niya ng buong katotohanan? Sabihin na kaya niya kung sino ang talagang para sa kanya ang dapat lang hangaan dahil mabango at malinis?” patuloy pa ng talent manager/entertainment columnist.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Para kay Nay Lolit, harsh daw ang mga tinuran ni Ivana patungkol kina Derek at Gerald.

“Siguro hindi alam ni Perry Lansingan na manager ni Ivana Alawi ang sinabi nito dahil for sure hindi niya papayagan maging ganito ka harsh ang alaga.

“Sana nga walang magtanong kay Ivana Alawi kung sino ang pinaka mabango at malinis na lalaki para sa kanya, at pilitin siya sabihin kung sino ito.

“Sure kami na gustong gusto ng lalaki na pipiliin niya na isulat na siya ang choice ni Ivana. Sure ako na gusto ng nasabing lalaki na ipagmalaki na siya at tanging siya ang malinis at mabango para sa type ng bayan na si Ivana Alawi.

“Lucky guy, sino ka ba talaga ? Clue ? O remain secret forever ? O tignan natin, baka naman dahil gusto siya ipagmalaki ni Ivana sa kanyang milyong followers ibigay na niya ang pangalan. Lucky guy , please, introduce yourself , please?” ang saad pa ni Nay Lolit.

Sa comment section ay iba-iba ang reaksyon ng mga netizen. May nagsabing wala raw sinasabing ganyan si Ivana at may mga nagkomento namang tama lang daw na hindi type ng aktres sina Derek at Gerald dahil babaero raw ang mga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.