Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana nakipag-away sa resto

0 106

NI: ARCHIE LIAO

Epektib ang ginawa ni Ivana Alawi na i-prank ang kanyang brother na si Hash . Sumabak siya sa challenge na Asking A Stranger’s Phone Number.

Sa challenge, kailangan nilang makipagkilala sa mga estranghero sa BGC para kunin ang kanilang cellphone number.

Ang deal nila: kung sino ang makarami, siya ang mananalo.

Kapwa naman nakaiskor ang magkapatid.

Sa isang resto sa Taguig, nagyaya namang kumain si Ivana.

Dito na hinamon ni Ivana na kunin ni Hash ang contact number ng magandang girl na malapit sa kanila.

Dumiskarte naman si Hash para makuha ang name ng girl na blonde ang hair.

Namukhaan ng girl si Hash at humingi pa ito ng selfie kasama ang vlogger.

Umentra naman ang isang guy na minasama ang umano’y pagkuha ni Hash ng numero ng kanyang girlfriend.

Naghamon ito ng away at suntukan kay Hash.

Lumapit naman si Ivana para ipaliwanag na nagba-vlog lang sila.

Pati si Ivana ay nadamay sa pambabastos ng lalake na sinabihang hindi naman pala ito maganda.

Nakipagsagutan din ang sexy vlogger sa lalakeng nambastos sa kanya.

Sa huli, bumaligtad naman ang babae at kumampi sa diumano’y boyfriend nito.

Ipinagtanggol naman ni Hash si Ivana sa pambabastos ng guy pero walang pisilakang naganap.

Sa dulo, nabuking na prank lang pala ang lahat.

Ang kinakuntsaba ni Ivana ay sina Hipon Girl na nagpanggap na blonde girl at Kelly, ang guwapong hunk na nag-pose bilang nobyo nito.

Aminado naman si Hash na na-stress siya sa prank na isinet-up sa kanya ng kapatid.

Leave A Reply

Your email address will not be published.