Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana ‘natomboy’ kay Liza

0 74

Hanggang ngayon, usap-usapan pa rin ang mga naging ganap sa second anniversary ng vlog ni Ivana Alawi.

Pinaghandaan kasi ng kapatid na si Mona ang kanyang pasorpresa sa kanyang ate.

Pati ang pagkontak ng well wishers ay talaga namang kinarir ni Mona para mapasaya si Ivana.

Viral naman ang reaksyon ni Ivana nang batiin siya ni Liza Soberano sa naturang vlog.

Kinilig ito at nagpapalatak na inaming ‘girl crush ‘ niya ang aktres.

Nag-react naman ang ilang kibitzers, na base sa kanyang reaksyon ay ‘natomboy’ raw ito kay Liza.

Sa kanya namang mensahe, humirit naman si Liza na sana ay magkaroon sila ng collaboration ni Ivana.

Paolo iboboykot ang show

Naging maingay na isyu kamakailan sa hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis.

Hindi man diretsahang tinumbok ni LJ, pinupunto nitong may third party involved sa naging breakup nila ni Paolo.

Kinuyog naman lately si Yen Santos ng mga basher sa Twitter.

Sa kaso naman ng Kapuso actor, pinili na lang nitong huwag magsalita sa hiwalayan nila ni LJ.

Pero dahil na kay LJ ang simpatiya ng karamihan sa netizen,nagbanta ang iba na ibo-boycott na lang nila ang mga show ni Paolo.

Muli namang nag-viral ang lumang interview kay Lian Paz, ang ex ni Paolo hinggil sa masaklap na kinasapitan ng kanilang relasyon.

Hirit tuloy ng mga mahadera, pareho ang naging kapalaran nina LJ at Lian sa piling ni Paolo.

After namang lumabas ang interview ni LJ kay Paolo, hindi naman nakaligtas sa mga matatalas na mga mata ng ilang netizen na pina-follow na pala nina LJ at Lian ang isa’t-isa sa Instagram.

Hindi tuloy maiwasang mag-opinyon ang ibang may ‘balak’ o ‘alyansa’ ang dalawang ex ni Paolo laban sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.