Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana niligwak sina Heart, Marco, Kim

0 234

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang vlog, sumailalim sa “Pass or Collab” challenge ang sexy Youtuber na si Ivana Alawi.

Nagbigay ng listahan ng mga artista at YouTubers ang kanyang kapatid na si Mona kung saan kailangan niyang tumbukin kung bet niya o pass na makipag-collab sa mga ito.

Ayon kay Ivana, bet daw niyang makipag-collab kina Bretman Rock, Niana at Ranz Kyle, Kathryn Bernardo,Liza Soberano, Luis Manzano, Bea Alonzo, Vice Ganda,  Beks Battalion, Donekla , Bela Padilla, Zainab Harake, Jelai Andres at iba pa.

Of course, gusto niyang makipag-collab sa crush niyang si Joshua Garcia pero pass daw siya kay Marco Gumabao na minsang natsismis sa kanya.

Di rin siya nagbigay ng paliwanag kung bakit di niya feel na makasama si Marco.

 Bagamat hinahangaan daw niya ang ganda ni Heart Evangelista, di raw niya bet na makipag-collab dito dahil asiwa raw siya sa pagiging sosyal nito.

Wala rin daw siyang nakikitang magandang content para makipag-collab kina Maja Salvador, Enchong Dee, Wil Dasovich at Kim Chiu kaya ligwak ang mga ito sa kanyang list.

Ayaw din daw niyang makipag-collab kina Paolo Contis at AJ Raval as a friend.

Leave A Reply

Your email address will not be published.