Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana pampaelya ang puwet

0 80

Nagbubunyi na naman ang sangkabarakuhan dahil sa bikini pictorial ni millennial bathaluman Ivana Alawi.

And how much do they love the YouTube major, major star? Habang tinitipa ko ang aking pitak, may 602K plus na ang kanyang bedroom photo op na in full display ang kanyang makinis na buttocks at shapely thighs with a facial expression na tila ang thought balloon ay: “Come and get me boys. Try, kung kaya niyo!”

May almost 4K comments ang larawan na palagiang kasaman fire emojis at “grabe siya” in a positive light. Talagang ang kanyang mga tagahanga at sumusporta ay celebrating ang kanyang nakakarahuyong alindog at kariktan.

Hindi na tuloy kataka-taka ang exponential number of views at subscribers na hindi lang aliw na aliw, kundi haling na haling sa kanyang mga payanig sa kanyang pangmalakasang online channel.

Tony, Raymond pinagpistahan sa TikTok

Related Posts

Feeling upset sa mga hanash at kuda matapos umapir sa TikTok universe ang sayaw na pinagsasamahan ng magkaibigang Tony Labrusca at Raymond Gutierrez.

For a harmless and fun TikTok collaboration between two friends, grabehan ang pagdadabog ng bangs at gusto kong pagtatampalin ang mga nilalang na walang kasawa-sawa na magduda at humusga.

Hindi ba pwedeng mabuting magkaibigan lamang talaga? Bakit kailangang may koklusyon agad at ang pinanggalingan eh pagsasayaw lamang?

Millennial times na, ganito pa rin ang mindset? May pag-asa pa bang magbago ang pakiwari sa mga lalaki at baklang may mabuting pakikipagkaibigan? Anong nangyayari at tila hindi pa rin progresibo ang pag-iisip pagdating sa mga friendship na meron ang mga gaya nina Tony Labrusca at Raymond Gutierrez?

Leave A Reply

Your email address will not be published.