Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana pantasya ni Ricky Gumera

0 406

NI: ROLDAN CASTRO

Buong ningning na sinabi ng bagong ‘Totoy Mola’ na si Ricky Gumera na crush niya si Ivana Alawi. Pinapangarap niyang maging leading lady ang seksing aktres/vlogger.

“Pantasya siya ng bayan.Sexy siya.Alam mo ‘yung hitsura niya na simple lang pero ang lakas ng dating sa mga lalaki.At saka ang ganda ng katawan niya, ang puti niya,” bulalas ng baguhang aktor.

Ano ang unang gagawin ni Ricky kung sakaling hubot’hubad sa harapan niya si Ivana?

“Grabe!Baka ma-shock ako nu’n. Baka mataranta ako kung ano ang gagawin ko. Siyempre, titingnan ko siya tapos dadamitan ko.Tatanungin ko rin bakit siya nakahubad kasi hindi pa naman ako ready,” pakli niya sa Abante Tonite Facebook Page, Abante Radio Tabloidista digital show na ‘Walang Basagan ng Trip’

SM food to go Banner Ad

Anyway, si Ricky ay introducing sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer’.Gaganap siya sa mapaghamong role bilang si Kyle,anak ni Jay Manalo.

Inanunsyo rin ng Godfather Productions producer na si Joed Serrano na bibida si Ricky sa ‘Bagong Totoy Mola’.

Siya rin ang magiging leading man sa sex-comedy movie na ‘Monay’ na launching ni Miss Everything at ni Monay Madrigal.

Willing din daw si Ricky sa kissing scene at bed scene kay Miss Everything.

Todo puri rin niya si Miss Everything dahil nagsama sila sa isang vlog at sinabon ang kanyang katawan. Napaka-humble daw nito kahit sikat na social media influencer.

“Panoorin n’yo kung paano ako sabunin ni Miss Everything,” sambit pa ni Ricky.

Leave A Reply

Your email address will not be published.