Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana pinagkaguluhan ang boobs

0 64

Ibang klase talaga ang mga payanig ni millennial bathaluman Ivana Alawi, huh!

Bakit kaniyo? Aba ang latest larawan niya sa kanyang IG account,nakaupo ito, na ang tanging saplot lang ay brassiere at paldang puti na may mga slit. Ayaw paawat ng mga barako sa pagkakagusto rito, huh.

Halos kalahating milyon ang nasang-nasa sa kanyang “quick escape” captioned photo .Halos kalahati ng kanyang mga susong dalaga ay di sinasadyang maipasilip niya. Ito’y dahil sa disensyo of her flesh toned bra top. Siyempre pa, nagdagdag sa pagpapainit sa mga homme ang kanyang ohlala cleavage at makinis na balat.

At super displayed rin ang kanyang creamy thighs na mas lalong naging inviting at pleasurable sa mga mata ng mga barako .Ang puti kasi ng kanyang saplot na pang-ibaba.

Hindi na kataka-taka ang sangrekwang views kasi nga ang ganda-ganda naman talaga ni Ivana Alawi sa photo, huh!

Daniel matapang ang pasaring

Palakpakan at mabunying sigawan ang ibinigay ng kanyang mga tagahanga kay Daniel Padilla.

Kasi naman, buong katapatan at talaga namang kay tapang-tapang ang pahayag nito patungkol sa isang pangmalakasang isyu na ang tinuturong bida ay isang religious leader.

Ang walang takot na kuda ni Padilla na woke na woke naman talaga: “Isa- isa ng tinatawag ni Satanas.”

Juice colored! Kay DJ ba talaga galing ang pahayag na ito? Hindi naman kaya na-hack ang kanyang IG account dahil nga bukas na aklat naman talaga na kadalasan eh tahimik lang ito sa mga isyung panlinpunan at politikal?

Kung talagang siya ang may akda nito, kahanga-hanga ang kasintahan ni Kathryn Bernardo. Ibig sabihin nito, updated ang binata sa current events at alam niya kung kailan dapat manahimik at kung kailan nararapat isambulat ang kanyang opinion.

SM food to go Banner Ad

Kasi nga naman seryosong alegasyon ang ibinabato sa religious lider na talaga namang hindi lang kataka-taka kundi tunay na nakakahibang.

Dahil kaya sa pagsasama nila ni Ms. Charo Santos-Concio sa pelikulang “Kung Maupay Man it Panahon” kaya ganito ang tapang ni young master Padilla?

Maari kasing pag hindi rolling ang kanilang shooting para sa pelikula, ay marami silang pinag-uusapan tungkol sa buhay-buhay at pankalahatang kaganapan sa ating bayan ni Ms, Charo Siempre pa, alam naman nating how well-informed at emotionally intelligent ito na talagang may mga nugget of wisdom na siguradong ibinahagi ni Ginang Concio kay Daniel Ford kaya mas maalam na ito.

Sigurado rin ang pagganap niya sa kanyang katauhan sa pelikula ay nagpaigting sa kanyang damdamin .Binuksan ang kanyang pag-iisip sa mga bagay-bagay na tama at mali. At dahil sa pagkakamulat na ito, hindi na niya kayang sikmurain ang mga nilalang na wala sa katinuan ang mga ginagawa.

Naway mas marami pang maging opinion si Daniel sa mga sumusunod na araw .Malaking bagay ang kanyang mga sasabihin sa mga panahon na ito.

Bistek nagsisi na pinakawalan ang ex

Kahit pa nga in a happy place na ang soon to be Mrs. Mel Sarmiento, ang Digital Empress Kris Aquino, go for gold pa rin ang pagiging relevant, huh.

Sa sinabi ni nangangarap na maging senador Herbert Bautista kamakailan na ang pinatutungkulan eh ang naunsyami nilang relasyon ni Kristina Bernadette, siyempre pa, ang naging konklusyon ng dabarkads at madlang pipol ay si Aquino ang TOTGA, o the one that got away ni Bautista.

Of course, kung may mga kinilig tiyak marami-rami rin ang hindi natuwa sa mga naibunghalit ni Kuya Herbert at sa pakiwari nila ay “uncalled for” at napaka-“ungentlemanly” nito,

Karakaraka namang itinama naman ni Bautista ang kanyang on-line faux pas sa pamamagitan ng isang sinserong paumanhin.

Bukod sa unang tweet, mas madamdamin ang bersyon ng panagalawa: “I am so sorry. I failed to see it coming until it was too late. Alam kong maalagaan ka niya, and I can see that you’re happier now. Aminado ako, I know I have not been good enough. Still regretting the chance I didn’t take. You deserve better.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.