Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana pumalo ng 7M view ang trailer ng serye

0 66

NI: ROLDAN CASTRO

Isang pamilyang pinagbubuklod ng sikreto at kasinungalingan ang unti-unting masisira sa bagong family drama serye handog ng ABS-CBN na “A Family Affair,” na tumabo ng higit pitong milyon views ang trailer sa loob ng dalawang linggo mula noong inupload ito at pinag-usapan sa social media.

Sa unang pagkakataon, pupukawin ng YouTube superstar na si Ivana Alawi ang damdamin ng viewers sa kanyang pagbibida sa primetime series.

Kasama niya ang ilan sa mga in-demand Kapamilya leading man ng henerasyon ngayon na sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

Ani ni Ivana, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang programa dahil sa tiwala siya sa ABS-CBN sa pagbuo ng kuwento at hindi siya papabayaan nito.

“I was so excited nung pinitch siya sa akin. Sabi ko nga, story pa lang okay na ako. Ang ganda ganda ng storya. It’s something different kasi it’s not just drama. There’s a lot more. It’s very seductive, steamy, sexy, thrilling, at mysterious. Kapag gawang ABS, talagang class. Hindi ako nag-aalala sa itsura ko or sa story kasi kapag ABS, world-class talaga,” saad ni Ivana.

Alamin kung ano-anong sikreto ang bumabalot sa pamilya ng Estrella at kung anong koneksyon nito sa buhay ni Cherry Red.

Idinerehe nina Jerome Pobocan at Raymond Ocampo.

Makakasama rin sa naturang serye sina Aya Fernandez, Edu Manzano, Rans Rifol, Heaven Peralejo, at marami pang iba.

Maunang mapanood ang pagsisimula ng kwento ni Cherry Red at ng Estrella brothers saiWantTFC app (iOs and Android) o iwanttfc.com 48 oras bago ito umere sa telebisyon Maari rin nila mapanood ang broadcast premiere nito sa Hunyo 27 (Lunes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5.

Leave A Reply

Your email address will not be published.