Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana, Sachzna patalbugan sa hubaran

0 668

ROMMEL PLACENTE:Napansin namin na nanunumbalik na ang sexy movies. Mukhang nauuso na naman ito.Marami na namang gumagawa ng sexy films na ang mga artista rito ay nagagawang maghubad, sikat man o hindi.Gaya ni Enchong Dee na walang takot na naghubo’t-hubad sa pelikula nila ni Jasmine Curtis Smith na ‘Alter Me’. Sino nga ba ang mag-iisip na kakayanin at magagawa ni Enchong ang mag-daring?

RICKY GUMERA BIBIDA SA ‘BAGONG TOTOY MOLA’

Ang malapit nang ipalabas na Anak Ng Macho Dancer ay isa ring sexy film. Mula ito sa Godfather Productions ni Joed Serrano, na isa sa bida ay si Ricky Gumera. Ang binata ay walang takot na nag-frontal nudity dito. Sabi nga ni Ricky,may maipagmamalaki naman siyang kargada kaya magagawa niya itong ipakita.

Dahil nga sa pagiging dakota ni Ricky, kaya plano ni Joed na gawin ang Bagong Totoy Mola, na bida ang tinanghal na Mister Global 2019.

Ang Totoy Mola ay pinagbidahan noon ni Jay Manalo.Kinuha siyang bida rito,dahil kilala ang aktor na nagtataglay ng malaking ari. Si Ricky na nga ang tagapagmana niya sa pagkakaroon ng mala anacondang nota kaya siya ang kinuhang bida ni Joed sa Anak Ni Totoy Mola. O, di ba bongga si Ricky na sa paggawa niya ng mga sexy films,siguradong siya na ang bagong pagpapantasyahan at mamahalin ng mga bading?

MILDRED A BACUD: Bomba film, Pene movie, ST movie, bold movie, Titillating film ito lang ang tawag sa mga sexy films no’ng araw. Kilala ang Seiko Films ni Robbie Tan sa paggawa ng mga pelikulang ganito ang tema. ‘Yun nga lang taong 1986, ng umupo ang yumaong presidente na si Cory Aquino ay nag-tone down ang ganitong tema. May mga nagpatuloy pa ring gumawa pero late 90’s o pagpasok ng 2000 ay nanamlay na ng tuluyan. Pinili na lang ng dating sikat na producer na si Robbie ang mabuhay ng pribado at ipagpatuloy ang negosyo sa pitaka.

Pagtawid ng panahon para namang bumabalik ang dating panahon. Dahil nagkaroon ng kalayaan sa paggawa ng indie movies,nakakalusot na ang paggawa ng pelikulang may temang bold o seksi tulad na lamang ng pelikulang Fuccbois kung saan pinag-usapan ng ang mga baguhang aktor na sina Kokoy de Santos at Royce Cabrera.

Kung may Joyce Jimenez naman noon na tinaguriang Pantasya ng Bayan, inaabangan naman si Ivana Alawi sa isang mapangahas na pelikula. Ang sexy actress kasi ang sinasabing makabagong Pantasya Ng Bayan dahil sa kaseksihan at alindog nito.

Well good naman for the movie industry pero hindi pa rin dapat kalimutan ang kalidad sa paggawa ng pelikula, hindi ‘yung makahubad lang kahit hindi naman kailangan sa eksena.

RODEL FERNANDO: Panahon na siguro para ibalik na ang sexy movies dahil may mga producer na nagkakainteres nang gumawa ng ganitong klaseng pelikula. Sa katunayan isa ang Godfather Productions ang bumuhay ng kaseksihan ngayong pandemya via Anak ng Macho Dancer na pinagbibidahan ni Sean de Guzman kasama si Ricky Gumera.

Bukod dito, pinaplano na rin ng bagong film outfit ang pagsasapelikula naman ng Anak ng Burlesk Queen. May isa pang baguhang producer na nagbabalak na gawin naman ang isa pang daring film na pinagbidahan ni Vilma Santos na Tagos ng Dugo.

Pero sa totoo lang, hindi lang napapansin ay maraming indie movies na ang nagawa na may temang sexy. Hindi lang umiingay dahil limitado kasi ang pagpapalabas ng mga ito. Mas napapansin ang mga BL series na halos kaseksihan din ang tema.

Kung ako ang producer at magprodyus ng sexy film maliban kay Ivana Alawi ay kukunin ko si Sachzna Laparan para gawing bida. Siguradong papatok ang movie dahil maraming nagpapantasya ngayon sa kanya. Bukod siya ang bagong Miss Flawless ay nagkandarapa rin sa kanya ang mga utaw sa social media.

NORA, VILMA TARGET SA ‘ANAK NG BURLESK QUEEN’

ROLDAN CASTRO: May panlaban din ang Viva Films pagdating sa kaseksihan.

Balitang ilulunsad sa isang sexy film si Sunshine Guimary. Nandiyan pa sina Rhen Escaῇo at Cindy Miranda na mapangahas .Last year todo hubad sila sa pelikulang Adan.

Inaabangan din ng mga barako si Sue Ramirez. Bagay raw itong mag-burlesk sa pelikula kung gugustuhin niya.

Kakabugin din daw ni Paolo Gumabao ang utol niyang si Marco dahil may frontal nudity raw ito sa pelikulang ‘Lockdown’.

Super ingay rin ang pelikulang ‘Anak ng Macho Dancer’ na may frontal nudity sina Sean de Guzman at Ricky Gumera na prodyus ni Joed Serrano.
Sina Nora Aunor at Vilma Santos target ding kunin ng Godfather Productions para sa mahalagang role sa ‘Anak ng Burlesk Queen’ na ididirek ni Joel Lamangan.

Mukhang masaya na naman ang 2021 dahil sasalubungin tayo ng mga pelikulang palaban sa hubaran. Ang maganda pa nito, karamihan ay mapapanood sa Netflix at ibang social media flatform.

Leave A Reply

Your email address will not be published.