Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana sapol ng COVID

0 172

Ikinagulat ni Ivana Alawi na nagpositibo siya at ang kanyang mama sa COVID-19.

Sa kanyang latest vlog, sinabi ng aktres na sobra siyang maingat at bakunado naman.

“Meron akong COVID. Two years ever since lumabas ‘yung virus na ‘to sobrang maingat ako. Lagi akong naga-isolate kapag lumalabas ako, kapag may trabaho. Sa dami-dami kong swab test laging negative, sanay na sanay akong negative,” kuwento ni Ivana.

SM food to go Banner Ad

Una raw nag-positive ang kanilang mama na si Fatima Marbella, na hirap na hirap huminga, kaya naiyak si Ivana.

Kabilang daw sa sintomas ni Ivana ang sobrang pagsakit ng ulo at katawan niya.

Nagpapasalamat naman si Ivana na negative ang ate nila at ang bunso nilang si Mona. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.