Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana sikat lang sa YouTube

0 1,298

NI: ALWIN IGNACIO

May 8 million subscribers and counting si Ivana Alawi sa YouTube. Dapat na ba tayong magdiwang at manalig na sikat na talaga ang sinabi nilang millennial sexy starlet?

With that number of subscribers, ibig sabihin ang kanyang mga ganap sa kanyang vlog, marami ang aliw na aliw at hindi lang barako ang nananood sa kanya na supposedly eh ang kanyang main target merkado. Pa-bombshell kasi ang kanyang imahe kaya marami talaga ang homme na excited sa kanyang cleavage na talaga namang oh lala at katawang wagi ang kurbada.

Ang mga babae at bading, bet na bet rin siya kasi nga, kahit flirtatious at seductive ang kanyang packaging, sa kanyang vlogs, mapapanood na siya ay pro-family. She knows how to humor herself. May hinhin na tangi pala ito like a true dalagang Filipina. Oo, sumasakay si Alawi sa biruan at tuksuhan pero alam niya ang totoo, alam niya ang drawing.

Mas lalong uminit siyempre ang kanyang vlog matapos silang magkaroon ng seeming closeness ni DJ Loonyo.

The WHO na para sa inyo TONITE readers si Loonyo? Ang savage. Hahahaha! Alam naman nating lahat how masalimuot Loonyo’s life and situation is nowadays at hindi ako sure kung bet pa rin ni Ivana na ma-associate sa lalaking mahusay gumiling at kumanyod.

May isang vlog si Rhemuel na Pinas bound na yata siya. Natuloy na kaya ang pag-uwi niya at nagkita na nga kaya sila ni Ivana?

Ang tanong, kung sikat si Ivana sa YouTube, does it follow na na sa ibang mass mediums, dama na rin ang kasikatan niya? Ano ba ang last significant television project niya bago magsara ang ABS-CBN? “Sino ang Maysala?: Mea Culpa” nga ba ang pamagat nun, kasama niya si Kit Thompson, right?

Ano na ang nangyari sa pagbibidahan niyang serye na ‘Ang Lihim Ni Ligaya’?

Walang lumigaya? Kahit si Mariang Palad, nganga?

May brands bang pinagkatiwala ang produkto nila kay Alawi?

Ano ba ang popular products na associated sa babae? Shampoo? Parang wala pa akong pinapanood na patalastas.Body lotion? Kahit pa nga makinis ang dalaga, wala pa ring ganung endorsement. Sanitary napkin o feminine area wash? Luhaan pa rin. Calendar girl para sa hard liquor brand? Eh pabalat na notebook? Waley!

Thus I cannot help but wonder, with the impressive numbers in YouTube, sikat nga ba talaga si Ivani Alawi? O ang “closeness” nila ni DJ Loonyo ang dapat bigyang kredito kaya na-boost ang kanyang digits?

Fourth monthsary pa naman nila bilang LooVana, kaya magpaka-totoo na tayo,yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.