Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana takot ligawan

0 135

NI:ROLDAN CASTRO

Bagamat pantasya ng bayan si Ivana Alawi, nai-intimidate ang mga lalaki sa kanya.

“Lagi silang nai-intimidate sa mukha ko.Minsan mga taong takot manligaw.At hanggang ngayon ganoon pa rin ang feeling,so takot pa rin silang manligaw,” sambit niya nang makatsikahan siya sa virtual presscon ng horror film na “Sitsit” series na may dalawang kwento . Ito’y ang “Scorpio” at “Aswang”.

Hindi naman gusto ni Ivana ang ganoong image.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, aminadong nailang si Ivana Alawi kay Paulo Avelino, producer niya sa ‘Aswang’ dahil crush pala niya ito.

Pero reaksyon ni Paulo ‘wag daw mag-alala si Ivana dahil crush siya ng lahat.

Sey pa niya, malayo raw si Ivana sa personal dahil tahimik, simple at matuwain.Iba raw ‘yung pino-portray nito sa mga photo at sa vlog niya.

Anyway, nakakapangilabot na kababalaghan ang sasapitin nina Jake Cuenca at Ivana Alawi dahil sa pagnanasang magkapera at ibigin sa back-to-back horror films ng “Sitsit” series. Mapapanood na ito simula Oktubre 31 sa iWant TFC streaming service.

Idinirek ni Ato Bautista ang “Scorpio,” habang ang “Aswang” ay idinirek ni Erin Pascual.

Leave A Reply

Your email address will not be published.