Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana tinupad ang challenge ni Lloyd

0 124

Tinupad ni Ivana Alawi ang hamon ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.

Post ng sexy actress sa kanyang Facebook page.

“Hinamon ako ni Kween Lloyd Cafe Cadena sa kanyang last vlog na inupload niya sa kaniyang channel. Ang request niya, magcarwash kami ng bus together.

“Nakakalungkot man at hindi natin magagawa ng magkasama ito at wala ka dito sa tabi ko, itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka diyan sa heaven at masisiyahan ka dito.

“Para kay Lloyd itong video at lahat ng kikitain nitong video ay ibibigay natin sa kanyang naiwang pamilya para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko.

“Hindi pa kita namemeet personally or nakacollab. Pero alam ko meron kang napakabait na puso, Marami kang natulungan, napsaya, nainspire.

“Kween LC isa ka sa pinaka original na YouTuber na mahal namin and you will never be forgotten.

REST IN PARADISE.

Nilinaw rin ni Ivana na walang ibang tao habang nagka-carwash ng bus kaya nakapagtanggal siya ng facemask.

Leave A Reply

Your email address will not be published.