Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana type dyowa na haciendero

0 73

NI : ARCHIE LIAO

Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ng pantasya ng bayan na si Ivana Alawi ang kanyang epic vacation kasama ang kanyang pamilya sa Batangas.

Aniya, dahil sa lockdown, never raw silang lumabas ng bahay dahil takot nga siya lalo na’t may kapatid siyang immune-compromised.

Umani naman ng papuri sa mga netizen ang pagiging maalaga at mapagmahal ng sexy actress at vlogger pagdating sa kanyang ina at mga kapatid.

“Ngayon lang kami makakapag-vlog with my family going out of town. Kasi lagi kaming nasa bahay. Nasa cr, nasa kusina, nasa labas ng bahay pero bahay pa rin. So this time it’s different, we are in Batangas,” ani Ivana.

Sa kanyang video, sinabi rin ni Ivana kung ano ang hinahanap niya sa isang lalake.

Kung mag-aasawa raw siya, bet daw niya iyong lalakeng merong property sa probinsya.

“Pag ako nagka jowa gusto ko nakatira ako sa ganito. ‘Yung puro forest,” bulalas niya. “So guys sa future husband ko, sana may naka-ready ka nang province. Kahit kubo lang tapos ano, puro halaman masaya na ako doon,” dugtong niya.

Hindi naman naawat ang mga netizen sa pagkomento sa kanyang naging rebelasyon.

Ngayong tila out na sa kanyang buhay si DJ Loonyo, mataas daw pala ang standards nito.

Bet daw nito ay hasyendero, o kung probinsyano man ay merong maipagmamalaking property.

Hirit naman ng iba, wala raw namang masama kung hangarin ni Ivana ng kumportable buhay dahil kahit papaano ay galing din ito sa well-off family.

May nagtatanong tuloy, paano na raw ang nagpapantasya kay Ivana tulad ng Anak ng Macho Dancer star na si Ricky Gumera?

Leave A Reply

Your email address will not be published.