Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana type ‘kainin’ ni Gerald

0 416

NI: Archie Liao

Patok ang bagong entry sa Mashing Machine sa YouTube channel ng ABS-CBN.Sa pamamagitan ng trick ng editing ay pinagtambal ang hottest actors ng kanilang henerasyon na sina Ivana Alawi at Gerald Anderson.

Sa continuation ng kuwento, may eksena sa naturang episode (A Soldier’s Love) kung saan nahuli si Gerald na binubosohan si Ivana habang nagbibihis.

Halatang naelya ang actor sa nasabing eksena dahil halos lumuwa ang mga mata nito sa kahubdan ng dalaga.

May kiliti factor naman ang dayalogo ni Ivana kay Ge na : “Parang mangangain ang mga mata mo.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maraming netizen ang kinilig sa bagong “Made for YouTube”episode na ito sa “Mashing Machine.”

Feeling nila, ang lakas ng sexual tension sa dalawang bida dahil sa nag-uumapoy nilang chemistry.

Sa pamamagitan ng Mashing Machine, nagkakaroon ng katuparan ng pantasya ng ilang faney na

makita ang kanilang mga idol na mai-partner sa iba.

This early, marami na ang nag-aabang ng tambalang GeVana na nakatakdang magsama sa isang serye ngayong taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.