Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana umalma na hubadera lang

0 486

Matapang na sinagot ni Ivana Alawi ang tanong ni Toni Gonzaga nang mag-guest siya recently sa I Feel U online show ng TV host.

Tinanong ni Toni si Ivana kung ano ang nararamdaman nito kapag sinasabi ng ibang tao na hubadera lang siya.

“Well, I know myself, and alam kong I’m more than just sa paghuhubad,” sambit ni Ivana.

Aniya ay proud daw siya sa sarili niya at wala siyang naaagrabyadong tao.

“Proud ako sa sarili ko, eh, bakit ako magpapapekto sa mga taong tumitingin sa akin pababa and they’re trying to say na parang. . . madami kasing ganyan, eh, actually. Parang sinasabi nila, ‘ano ba ‘yan, panay pakita ka lang naman ng katawan. ‘Yun lang meron ka, wala ka namang utak, wala kang gano’n.’

“But I’m proud of myself. Nakapagtapos ako sa college, natutulungan ko ‘yung family ko and I’m happy, I’m doing what I’m doing and I’m not hurting anyone, trabahong marangal, so bakit. . .

“Naiinggit lang sila, eh and I accept that,” pahayag pa ng sikat na vlogger/aktres.

@@@

Sharon niraket sa YT

Imbiyerna si Sharon Cuneta sa mga vloggers sa YouTube na pinagkakakitaan siya’t puro kasinungalingan ang ibinabalita.

Sa latest Instagram post ni Megastar, may isang fan na nag-inform sa kanya na marami raw YouTubers na gumagawa ng mga hindi magandang kuwento at tsismis tungkol sa kanya.

SM food to go Banner Ad

“You’re my favourite long time and nobody will replace you , I’m so very sad to the you tube vloggers just to earn money they are making n creating so many bad stories and tsismis, you’re so good to everybody but still they like you to make you down, I knew you’re aware but just keep safe n take cre!” komento ng fan.

Sinagot ito ni Shawie at aniya, “hay nako pinagkakakitaan na naman ako sa Youtube. Puro kasinungalingan yan. Maganda ang dahilan ng pagpunta ko dito!”

May isa pang nag-comment ng “kaw yta nasa blind item na kumakalat lahat ng mga comments puro name mo sinasabi.”

Sagot naman ulit ni Megastar, “talaga! Sana di puro kasinungalingan. Maganda ang dahilan ng pagpunta ko dito eh.”

Anyway, sinabi ni Sharon sa kanyang IG caption na magtatagal pa siya sa US at gusto pa nga niyang magkaroon ng asong aalagaan doon.

“Another sunrise after a night of no sleep…Is this still jetlag? Maybe it’s just stress. At least here, I have good stress.

“I am not just vacationing. I am actually working. Zoom meetings left and right. My manager here (yes, I have one) is keeping me busy!🙏🏻😊❤️ i NEED A DOG. I have to get one here.

“Should’ve brought Pixie and Bella or Toby, Wookie and Chibi with me. Darn it. Talk about emotional support dogs. I was texting with Pawi’s caretaker, Jervy last night and Pawi will be done with his shots next month.

“Just so I’d know, I asked if puede magtravel si Pawi pag magaling na. She said that according to the Vet, due to Pawi’s age baka mahirapan. Sayang. Makaka-States pa sana siya.

“Oh and I don’t know why but it makes me so happy to have a U.S. phone again! Staying for a bit,” ang saad ni Sharon sa kanyang mahabang post.

Leave A Reply

Your email address will not be published.