Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana umapir sa music video ng idol

0 281

NI: VINIA VIVAR

Sa kanyang latest vlog ay ipinasilip ni Ivana Alawi ang ilang behind the scenes ng kanyang shoot para sa music video ng bagong single ni Bella Poarch na Inferno.

Si Bella Poarch ay sikat na Filipino-American social media personality and singer. Isa nga si Ivana sa umaming fan siya nito kaya naman sobrang proud siya na magkaroon ng cameo appearance sa music video ng Inferno.

Makikita sa latest vlog ni Ivana ang paghahanda niya para sa shoot ng music video na ginanap lang dito sa Plipinas at hindi na niya kinailangang pumunta pa mismo sa Amerika.

“Sobrang natutuwa ako kay Bella, sobrang humble niya, wala akong masabi. Sa mga nagsu-support sa kanya, tama talaga tayo kasi she’s very, very nice, I’m a huge fan,” sabi ni Ivana.

Dagdag pa niya, “suportahan natin ang ating mga kababayan who’s making themselves a name internationally.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinuwento rin niya na dapat ay sa US siya talaga magsu-shoot ng MV pero hindi raw niya kaya talagang umalis.

“Pero ang nakakatawa kay Bella, dapat gusto niya ako pumunta ng US. para ‘dun dapat ako magsu-shoot. Pero hindi ko kayang pumunta ng US kasi andami kong trabaho rito tapos may quarantine na 10 days.

“Kahit gustong gustong gustong gusto ko, hindi talaga kaya. Ayaw din akong payagan,” tsika ni Ivana.

At kahit nga cameo lang ‘yun at sandal lang siya nakita, super-happy na raw siya.

Masaya ako na nakapag-video ako para kay Bella. Sabi ko nga kahit 1 second lang, um-appear lang ‘yung mukha ko ‘dun, happy na ako,” sey niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.