Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana umihi sa pool

0 520

NI: VINIA VIVAR

Ang daming natuwa sa latest YouTube vlog ni Ivana Alawi na 24-hour challenge sa swimming pool kasama ang kapatid na si Mona Alawi. Tulad nga ng title ng video, isang buong araw sila nagbabad na magkapatid sa pool at napili nga nila itong challenge na ito dahil request daw sa kanya ito ng mga follower niya.

“Ang video natin for today is sobrang kakaiba dahil mga nire-request niyo. Di ko alam kung may galit ba talaga kayo samin,” ang pagbibiro ni Ivana at the start of the video.

Eh dahil nga 24 hour sila sa pool, tinanong ni Mona kung paano sila iihi.

Sagot ni Ivana, CR daw niya ang pool

“Girl, wag ka, CR ko yan! Wag kang sasali,” sabi ni Ivana sabay turo sa pool.

“Diyan, iihi ako. Bababa lang ako,” sey pa niya na ikina-shock ni Mona.

Related Posts

Dagdag pa niya, “ay, girl, ‘yang chlorine ‘yan, made for my wiwi lang. Hindi na kaya ‘yung wiwi mo.”

At nang nagtagal na sila sa pool, mukha ngang umihi na silang magkapatid sa pool dahil sey ni Ivana ay nawiwiwi raw siya. Umakto siyang kinilig na para ngang katatapos lang umihi.

“Okay, I’m done peeing,” sey pa niya.

Ang nakakatawa, nung gabi na ay nilapitan na sila ng mommy niya at sinabihan silang pumasok na.

“Ano ‘yang ginagawa n’yo?” tanong ng mommy nila. Sinagot naman ni Ivana na 24-hour challenge sa swimming pool.

“Pumasok na nga kayo! Ano bang premyo dyan?” tanong ng mommy niya. Hahaha.

Anyway, sobrang nag-hit ang video na in 16 hours since uploaded ay nasa 2 million views na agad. Aliw na aliw ang netizens kay Ivana lalo na kapag lumilitaw ang puntong Bisaya. Ang daming nakyutan sa kanilang magkapatid at pinuri nila kung gaano ka-entertaining ang sexy star sa kanyang mga vlogs kaya naman laging millions ang views.

Leave A Reply

Your email address will not be published.