Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana umiyak sa kahihiyan

0 70

NI: ARCHIE LIAO

Sa bagong video ni Ivana Alawi sa kanyang Youtube channel, inamin niyang napaiyak siya dahil sa sobrang kahihiyan.

Nagbalik-tanaw ang sexy actress at naikuwento niya ang tungkol sa kanyang naging karanasan kung saan nasigawan umano siya ng isang TV host sa Kapamilya network.

Sa ngayon daw, wala na siyang sama ng loob sa nabanggit na TV host na may letrang M sa pangalan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito raw ay nangyari noong nagti-taping pa siya ng TV series na “Sino ang Maysala: Mea Culpa.”

Nagpaalam umano ang kanyang PA sa isang tao sa labas kung pwede siya makiupo sa upuan sa tapat lang umano ng dressing room kung nasaan si Ivana.

Na-shock na lang daw siya bigla nang sinugod siya ng nabanggit na batikang TV host at pinagsisisgawan dahil ang kanyang PA ay nasa dressing umano ng TV host.

Kwento pa ni Ivana, hindi raw niya makakalimutan ang nakakapanliit na karanasan kahit pa humingi na siya ng dispensa.(Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.