Abante Tonite Interactive

Ivana walang inagaw na dyowa

1,086

Sa latest episode ng Gandang Gabi Vice, ­ipinakita ng bagong Kapamilya Actress na si Ivana Alawi kung gaano siya kapangahas. Kaya naman maraming kalalakihan ang nahuhumaling at nagpapantasya sa kanya.

Minsan na nga siyang naging dahilan ng mga away ng mag-asawa. Sa panayam ni Vice Ganda kay Ivana, sinubok niya ito kung paano siya mang-akit ng mga lalaking bet niya.

Habang impromptu na dinedemo ni Ivana ang kanyang irresistable charm, mukhang maging si Vice Ganda ay nadali nito.

Ikinaloka ng host ng i-demonstrate ni Ivana kung paano niya hihigupin ang bulalo. May ­kahalong tirik ng mata ang mapang-akit na ginawa ni Ivana.

Hindi na ­tuloy naiwasan ni Vice na ­maelya sa ganda niya.

Aniya, “ Ma! I think I’ve changed.”

Gayunpaman, fierce at mapang-akit man ang ang kagandahan at alindog ni Ivana. Ipinagmamalaki niya na never pa umano siyang nang-agaw ng dyowa.

Aniya, “Kasi kapag nalaman kong may boyfriend, nirerespeto ko… kasi ang daming babae ngayon na kapag nalaman na boyfriend ay ang gusto nila, challenge! so aagawin nila.” (Rona Ronda)