Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivana winarak ang mga walang ganda

0 201

Almost 14 million followers and still growing ang YouTube channel ni Ivana Alawi. So, lahat ng mga gagawin niya dito, marami talaga ang nagigiging mausisa at yes oh yes, watch, listen and learn ang lahat.

Ang mga di kumilos ayon sa kanilang ganda at mga walang pribilehiyong magsuplada, si Alawi, gave them a dose of their own vitriol by reading and reacting mean comments.

In fair Verona, habang tinitipa ko ang aking pitak matapos panoorin ang kanyang pangwawarak na feeling entitled na bashers at haters hiding under fictitious names. Wala pang matitinong profile photos, almost 1.4M views na ito at mind you, mainit-init pa ang nasabing video post. Kasama pa nga ni Ivana ang kanyang younger sister.

Ang ilan sa mga pagmamagandang pinatulan ni Ivana: “Mukhang panget ‘to ‘pag walang makeup.”na ang naging tugon niya ay: “I love myself. Wala akong magagawa sa ‘yo, day! Kung ito pangit sa’yo, okay.”

Isa pang kuda: “Maganda katawan mo pero ‘di kagandahan mukha mo.” At ang sagot ni Alawi rito na filled with right amount of sarcasm: “Thank you! At least, maganda ang katawan ko. I love you, you’re so sweet.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang hanash tungkol sa kanyang pagiging hubadera: “Nagdamit ka pa? Maghubad ka nalang, bold star!”at panalo niyang counter hanash: “Ang bold star ay ‘yung nagpapakita ng ano… Ako nagpapakita lang ako ng puwet tsaka bra. Naka-panty at bra ako, so hindi ako naghuhubad ng panty at bra. Masaya lang ako kapag nagbi-bikini, iba kasi talaga kapag nag-bold ka.”

Nakakatuwa lang ang pangwawarak ni Ivana Alawi sa bashers niya. Kita mo na best in good manners and right conduct pa rin ito. Hindi going overboard ang kanyang mga pagtugon .Buo ang kumpiyansa niya sa kanyang pagiging babae at pagkakababae. Inilalagay niya lang sa tamang lugar ang mga poot na poot sa kanyang alindog . Kaya mas lalong marami ang nagmamahal sa millennial bathaluman eh, beautiful inside and out kasi talaga.

Coco, Julia nangangamoy kasalan

Ngayong makakasama na ni Coco Martin si Julia Montes sa never ending and everybody’s favorite na “FPJ’s Ang Probinsiyano,” makakaasa na ba tayo na ang mga tanong tungkol sa diumano nilang romansa ay matutuldukan na sa wakas? Aamin na nga ba ang dalawa tungkol sa mahiwaga nilang relasyon?

May pelikula ring ginagawa ang dalawa with internationally acclaimed and award winning director Brillante Mendoza. Ang pagsasanib puwersa nila sa na proyekto, doon pa mas lalong nag-init at naglagablab ang kanilang pagmamahalan kaya walang takot na nilang sasabihan na sila na nga talaga at they are so happy together?

Kung ano man ang mangyayari kina Rodel Nacancienco at Mara Schnittka, hindi naman masyadong halata na sinasanay na nila ang balana at madlang pipol. Tapos na ang taguan phase. Go for gold na ang bahay-bahayan at kasal-kasalan sa kanilang mga ginagampanan. At kung kahit sa totoong buhay eh mangyari nga takdang mangyari, hindi na tayo magtataka at matutuliro. Talaga namang dapat na “mabuhay ang bagong kasal” na ang pagbati kina Coco Martin at Julia Montes, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.