Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivermectin `di puwede ireseta sa may COVID – DOH

0 258

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga doktor laban sa “off-label prescription” o pagrereseta ng ivermectin bilang panlunas ng kanilang mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Nilinaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang inisyung certificate of product registration (CPR) ng Food and Drug Administration (FDA) sa Ivermectin ay bilang anti-nematode drug lamang at hindi gamot laban sa virus.

Una nang kinumpirma ni FDA Director General Eric Domingo noong Biyernes ng hapon na binigyan na nila ng CPR ang Lloyd Laboratories para sa paggawa at pagbebenta ng human-grade ivermectin subalit bilang anti-nematode drug lamang o panggamot sa bulate.

Ayon kay Vergeire, kung gagamitin ang ivermectin ng ibang doktor para sa ibang sakit ay mayroong pananagutan ang magbibigay ng reseta nito.

Samantala, may anim na pagamutan na sa bansa ang inisyuhan ng FDA ng compassionate special permit (CSP) para magamit ang ivermectin para sa kanilang mga pasyenteng may COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.