Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivermectin ‘di rehistrado kontra COVID – FDA

0 196

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi rehistrado sa kanilang tanggapan ang gamot na Ivermectin para gamiting gamot ng isang tao partikular kontra sa COVID-19.

Sa virtual hearing ng House Committee on Health, pinaliwanag ni FDA Director General Eric Domingo na ang Ivermectin na isang anti-parasitic drug ay rehistrado lamang ‘for veterinary use’.

Bukod dito wala pa rin namang aplikasyon sa kanila para gamitin ito bilang gamot kontra COVID-19

SM food to go Banner Ad

Gayundin naman nilinaw ni Domingo na walang ipinatupad na ban sa Ivermectin sa halip ang kailangan lamang anila ay sumunod sa mga itinakdang requirement tulad ng certificate of product registration.

Ang pagdinig ng komite ukol sa usapin ay base sa House Resolution 1684 na inihain ni 1Pacman Rep. Enrico Pineda na humihiling ng paliwanag sa FDA kaugnay sa desisyon nitong nagbabawal sa paggamit ng Ivermectin bilang gamot kontra COVID-19. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.