Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ivermectin libreng ipapamahagi sa QC

0 301

Tuloy na ang libreng pamamahagi ng Ivermectin na sinasabing mabisang gamot kontra COVID-19 sa mga residente ng Quezon City kahit hindi pa ito rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Pangungunahan nina Reps. Mike Defensor ng AnaKalusugan at Rodante Marcoleta ng SAGIP ang pamamahagi sa pamamagitan ng ilulunsad nitong proyekto na ‘Ivermectin pan-three’ kung saan bawat benepisyaryo ay bibigyan ng tatlong tableta.

Kasama ng AnaKalusugan at SAGIP sa program ang Lifecore Bio-Integrative Inc., Concerned Doctors and Citizens-PH, at Malayang Quezon City. Gagawin ang event sa barangay hall park ng Matandang Balara. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.