Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iwa sinuka ang mga nega kay Ping

0 95

Nanawagan si Iwa Moto sa kanyang mga basher na ‘wag makialam sa opinyon niya kay Presidential candidate Senator Panfilo Lacson.

Si Iwa, bilang partner ng anak ng senador na si Pampi, ay natural na kakampi sa kandidatura ni Lacson sa 2022.

Dahil dito ay binanatan siya ng mga netizen na hindi sumusuporta kay Lacson.

Pero sa isa niyang IG story, sinabihan ni Iwa ang mga basher ni Lacson na galangin na lamang ang opinyon niya.

“This is my opinion! Kanya kanya tayo ng opinyon. Pero pwede ba wag dito sa IG ko kayo magsabi ng opinyon nyo. Dun kayo sa IG nyo!” saad sa story ni Iwa.

“Do not silence me! Kasi di ko ginagawa yan sainyo. Kuda nang kuda sa account ng ibang tao. Dun kayo sa account nyo!!!” dagdag pa ng aktres.

Sa isa pang IG story ay inilahad ni Iwa ang mga dahilan kung bakit siya pro-Lacson.

Isang dahilan niya ay dahil kapamilya niya na ito.

May anak na rin sila ni Pampi Lacson.(MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.