Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iwa todo tanggol kay Ping

0 91

NI: ARCHIE LIAO

Mainit ang naging baliktaktakan sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ping Lacson.

Iniimbestigahan kasi ng Blue Ribbon Committee sa Senado kung paano ginamit ang pondo sa panahon ng health crisis sa bansa.

Hindi nakaligtas sa mga birada ni Duterte ang 2022 presidential aspirant na si Panfilo “Ping”Lacson.Pinuna niya ang kakaibang ‘hairdo’ umano nito.

Buwelta naman ni Ping kay Digong: “I don’t know what he’s talking about. I haven’t changed the way I comb my hair….”

Nag-react naman si Iwa Moto sa viral na statement ng Pangulong Duterte kay Ping.

Sa kanyang Instagram story, to the rescue siya sa kanyang in-law sa birada ng presidente.

“Bakit buhok ni daddy ang topic ng pangulo natin?,” sey ni Iwa.

Sa isang art card, ipinahayag din niya ang opinyon niya sa nasabing kontrobersya.

“Diba dapat yung problema ng bayan?”, aniya. “Ohh baka atakihin ako ng trolls ah,” dugtong niya.

Si Iwa ang kasalukuyang partner ni Pampi Lacson, ang anak ng senador kung saan meron siyang dalawang anak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.