Abante Tonite Interactive

iWant TV, magagamit na ng PLDT at Smart subscribers

8

MATUTUNGHAYAN na ang Kapamilya shows, movies, at specials sa iWant TV ng PLDT at Smart subscribers.

Ito’y sa pakikipag-ugnayan ng ABS-CBN para mas maraming Pilipino pa ang makagamit at makapanood ng Kapamil­ya content at services nga­yong nagiging digital company na ang Kapamil­ya network.

Nilagdaan nina ABS-CBN chairman Eugenio Lopez III at president and CEO Carlo Katigbak kasama si PLDT chairman Manny V. Pangilinan ang kasunduan para mapalawak ang video-on-demand streaming ng iWant TV sa pamamagitan ng pag-subscribe sa PLDT o Smart promo packages na may kasamang iWant TV sa huling bahagi ng taon.

Abante Hiring – IT dep

“Pinagtitibay ng kasunduan ng ABS-CBN at PLDT ang layunin nating gawing mas accessible ang ating mga programa online sa mas maraming Pilipino,” ani Katigbak.

Ayon kay Anna Rodriguez-Dela Cruz, ABS-CBN head for content on Mobile and OTT, maraming pagpipilian ang mga Pilipino sa iWant TV tulad ng specials na hango sa Kapamilya teleseryes, local at foreign na pelikula, Asianovelas, at livestreaming.

“Handog ng iWant TV ang ‘Biyaheng Teleserye’ na pinapakita kung paano nabuo ang isang teleserye. Mayroon ding pelikula at livestream ng ilang events tulad ng digital concerts ng One Music PH ng ABS-CBN,” sabi ni Dela Cruz.

Sa susunod na mga buwan, magkakaroon ng original shows sa iWant TV.

“Maglalabas kami ng original digital series na mapapanood lamang sa iWant TV para sa younger market ng millennials,” dagdag niya.

Ang iWant TV ng ABS-CBN ang ta­nging over-the-top (OTT) service sa bansa na naghahatid ng content gamit ang internet na walang monthly subscription fee.

Patuloy ang iWant TV sa mga bagong inobasyon sa paghahandog nito ng 360° videos.

Para sa unang patikim sa users, naglabas ang iWant TV ng 360° immersive video ng PBB house.