Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iwas double mutant variant! Galing India binawal sa PH

0 258

Bawal muna ang pagpasok sa Pilipinas ng mga pasaherong galing sa India simula Abril 29 hanggang Mayo 14, 2021.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pulong ng Inter-Agency Task Force kahapon.

Ayon kay Roque, lahat ng pasaherong in transit mula sa India o kaya ay dumating bago ang Abril 29 ay hindi pagbabawalang makapasok sa bansa subalit kailangang sumailalim sa quarantine at testing protocol, kahit pa negatibo ang resulta sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ng mga ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matatandaang sumirit ang COVID case sa India at libo-libo ang namamatay kada araw dahil sa mabagsik na epekto double mutant strain ng COVID-19.

Sinabi ni Roque na maaari ring ipatupad ang travel restriction ng mga galing sa ibang bansa na makikitaan ng bagong COVID strain, alinsunod sa magiging rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs at Department of Health.

“The Department of Transportation should ensure that airlines are directed not to allow the boarding of passengers entering the country pursuant to travel restrictions imposed by the Office of the President and the IATF resolutions except if they are part of the repatriation efforts of the national government,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.