Abante Tonite Interactive

Iwas-gulo

By
4

Ilang OFWs sa Hong Kong (HK) at mainland China ang nakaranas ng harassment kundi man ng outright violent attack noong 2010 matapos ang madugong Quirino hostage-taking incident kung saan ilang HK tourists sa Maynila ang napatay.

Kung inyong natatandaan, isang disgruntled police officer ang nang-hostage ng isang tourist bus kung saan sakay ang mga HK nationals. Sa rescue attempt na nangyari ay ilang turista ang nai­pit sa crossfire at nasawi.

Sa sobrang galit sa bulilyasong police operation at hindi paghingi ng apology ng national go­vernment ng Pilipinas (ang mayor lang ng Maynila ang nagtungo ng China para humingi ng dispensa), ang mga OFW sa HK at China ang pinagbuntunan ng galit.

Walang basehan

Sa makasaysayang desisyon ng Permanent International Court of Arbitration sa The Hague na pumanig sa Pilipinas at nagbasura sa territorial claims ng China sa West Philippine Sea, may nangangamba na magiging biktima na naman ng harassment o hate crimes ang mga OFW sa HK at China.

While ikinatuwa ng maraming bansa ang ruling ng korte ng United Nations, ni-reject ito ng China kasabay ng pagbabantang magkakagulo sa West Philippine Sea kung may bansa tulad ng United States na magpipilit na ipatupad ang ruling.

From the onset ay hindi kinilala ng China ang jurisdiction ng korte bagamat signatory ito at ang Pilipinas sa UN Convention on the Laws of the Sea o UNCLOS.

Mataas ngayon ang emosyon ng mga Chinese sa paniwalang may basehan sila sa pag-angkin sa ilang reef na ginawa nilang artificial islands na may sea ports at airports.

Sa kanila?

Sa harap nito, ibayong pag-iingat ang payo natin sa mga kababayan natin na nasa HK, mainland China at maging sa Taiwan upang maiwasan na maulit ang nangyari noong 2010.

Kahit nanalo tayo sa UN arbitral court, iwasang makipagdiskusyon lalo na sa mga Chinese nationals na ang marami ay naniniwalang sa kanila nga ang inangking area sa West Philippine Sea.

Katunayan, isang Pilipino sa China ang nagsabing kulang na lang ay itatwa niya na siya ay Pilipino makaiwas lang sa gulo.

Para sa Usapang OFW, that is the right thing to do para sa mga OFW sa China, HK at Taiwan.

Iwasan mag-gloat kaugnay ng UN court ruling pati na sa social media.

Lalong huwag maki­pagdebate sa mga Chinese nationals upang maiwasan ang hate o racial crimes.

***

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments. Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com or tumawag sa phone number 551-5163.