Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iwas heat stroke

0 262

Opisyal nang idineklara ng weather bureau na PAGASA ang summer season sa Pilipinas. Nitong March 26, nagtapos ang northeast monsoon o hanging amihan na hudyat na rin ng pagsisimula ng panahon ng tag-init.

Dahil summer, asahan nang mas titindi ang nararanasang init. Ayon sa mga health expert, iwasang magbilad sa araw sa pagitan ng 11am hanggang 3pm kung kailan matindi at nakakapaso ang init.

Maraming sakit ang puwedeng umatake kapag mainit ang panahon. Una na ang heat stroke. Prone dito ang mga may altapresyon, sakit sa puso at iba pang respiratory diseases. Importante na laging hydrated ang katawan. Ugaliing uminom ng hanggang walo o higit pang baso ng tubig kada araw.

Kung hindi maiiwasang lumabas ng bahay sa pagitan ng 11am hanggang 3pm, magdala ng panangga sa init gaya ng payong o sumbrero. Magsuot din ng maaliwalas o maninipis na mga damit para komportable sa pakiramdam. Magbaon din ng tubig. Mahalaga ring may bimpo o tuwalya na puwedeng basain at ilagay sa noo o batok kapag sobra ang init na nararamdaman.

Related Posts

Okay lang naman daw kumain o uminom ng mga palamig gaya ng milktea, halo-halo at ice cream. Pero dapat ‘in moderation’. Mataas sa sugar content ang mga ito kaya delikado rin kung mapapasobra ka ng ‘in take’. Isa pa, ipinapayo rin ng health experts ang pag-inom ng maligamgam na tubig. Mabilis daw kasing mamatay ang virus kabilang na ang Covid-19 sa mainit.

Tuwing mainit ang panahon, prone din tayo sa skin diseases gaya ng bungang-araw lalo na sa mga bata. Ito ay maaaring tumubo o lumabas sa kahit anong parte ng katawan. Pero mas madalas itong makita sa leeg, balikat, braso, dibdib, likuran at singit. Bukod sa mainit na panahon, sanhi rin sa pagkakaroon ng bungang araw ang klase ng kasuotan at tagal ng paghiga sa kama.

Kaya sabi ng ilang health experts, para maibsan ang pangangati, pamumula at pamamaga ng balat – mainam na lagyan ng cold compress ang apektadong bahagi ng katawan. Makatutulong din ang paliligo o shower gamit ang malamig na tubig. Magsuot nang maluluwag na kasuotan. Lagyan din ng prickly heat powder ang bungang araw. Mainam din kung may aircon o electric fan sa bahay para maaliwalas ang pakiramdam.

Ngayong mainit ang panahon, mas kailangan nating alagaan ang ating mga sarili. Bukod sa pag-eehersisyo, importante ring kumain nang masusustansiyang pagkain para lumakas ang resistensiya. Huwag ding kalilimutang magpahinga para mas tumibay ang immune system.

Leave A Reply

Your email address will not be published.